•Bantay Sa Ilog•Maganda ba talaga ang maligo sa ilog??
Kahit na....
May kababalaghang nangyayari dito???
Alam naman natin na masarap ang maligo sa ilog pero merong ilog sa amin ang may itinatagong sekreto at marami nang nagaganap na misteryo...
Isa sa nakaramdam ng kilabot sa ilog na yun si Manong Kardo! Siya ay isang manghihimay ng alimango sa ilog..Dahil sa mahal ang alimango ay ito na ang bumubuhay sa kanila..Dito na sila kumukuha ng pang bili ng bigas,gamit sa bahay at ito na ang ginagamit nila para makapag-aral ang kanilang mga anak.
Ngunit sa dami-rami na ng ilog na napuntahan niya ay isa lang ang nagparamdam sa kanya ng takot at kaba..Ang ilog na kung saan ay marami ng namamatay dahil sila ay nalulunod.
Habang tagaktak ang araw na nasa ilog si Manong Kardo ay ramdam niya ang pagtaas ng kanyang balahibo at ramdam niya ang ihip ng malamig na hangin kahit hindi naman mahangin. Kahit kinakabahan na si Manong Kardo ay ipinagpatuloy parin niya ang kanyang panguguha ng alimango sa ilog.
Ilang minuto lang yung nakalipas ay bigla na lang kumulo yung ilog. Para daw isang takore na pinakukuluan dahil sa lakas nitong kumulo! Halos daw hindi maigalaw ni Manong kardo ang kanyang katawan dahil parang may humihila sa paa niya. Isa lang daw ang alam niyang nangyayari sa kanya,Kundi ay ang minumulto siya at tila ba kinukuha niya si Manong Kardo.
Habang nakatayo daw si Manong Kardo sa kanyang kinaroroonan ay bigla na lang may lumutang na babaeng duguan at dahil dun kumalat ang dugo nung babae sa ilog.. Ilang segundo lang yung lumipas ay may bigla na lang daw ulit lumutang hanggang sa dumami raw ng dumami...
Hindi niya na daw alam kung ano ang kanyang gagawin dahil nauuna sa kanya ang kaba. Habang lumilipas daw ang bawat segundo ay pataas daw ng pataas yung ilog hanggang sa umabot na ito hanggang sa leeg. Ang tangi niya lang inaalala nun ay ang kanyang pamilya na kailan siya! Dinasalan daw niya ang ilog kaya naman bigla na lang daw nawala na parang bula ang mga multo at humupa na din ang ilog hanggang beywang na kanina lang ay hanggang leeg.
Hindi akalain ni manong kardo na makakaligtas siya sa araw na yun! Ang akala niya ay matutulad na siya sa mga taong nalunod dito. Laking tuwa daw niya ng maka-uwi siya sa kanilang bahay...
Sa kabila ng pagkaka-ligtas ni manong kardo ay wala ng manghihimay ang pumupunta sa ilog dahil kung makaka-apak ka daw lang sa tubig ay hindi ka na daw nila pakakawalan pa...
A/N
Hanggang ngayon po ay buhay pa ung ilog at si manong kardo sa amin..Balak na din na isara na yung ilog na yun dahil sa kababalaghang nangyayari dun:)
By:DM_DreamLove

BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
HorrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...