•Matanda sa Tindahan•Ito naman ay storya ng aking mama nung siya pa'y dalaga.
Araw daw nun ng isang kasal sa isang di naman kalayuang bahay. Pinag-usapan na daw ng kanyang mga kaibigan na dalaga na rin tulad niya na makikipag-sayawan daw sila mamayang gabi.
Akala daw ni mama na magiging masayang gabi yun ngunit yun pala yung gabi na mag papakita sa kanya yung usap-usap daw sa kanila na babaeng matanda na may dala daw kutsilyo.
Hating gabi na nung umuwi si mama at siya lang daw nun mag isa dahil nauna na daw ang kanyang mga kaibigan. Habang nag lalakad siya sa daan na wala na daw katao-tao ay bigla na lang daw siyang nakaramdam ng takot nung pag tapat niya dun sa tindahan na sinasabi nilang may matandang naka-upo daw dun.
Sa hindi inaasahan ni mama ay bigla na lang daw siyang nahinto na tila ba may naka-hawak sa braso niya. Lumingon daw si mama dun sa tindahan at laking gulat niya ng makita niya yung sinasabi nilang matanda na may dalang kutsilyo.
Wala ng nagawa si mama kundi ang tumakbo na lang dahil sa takot na baka kunin siya nito.
Ang gabing daw yun ang hindi niya makakakimutan.
A/N
Hanggang ngayon po ay OPEN pa po yung tindahan na yun...At paminsan-minsan na daw nag papakita yung matanda...
By:DM_DreamLove
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
TerrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...