Thirty-third Chapter - The Gangster, The Saltikin and Me

3.3K 152 57
                                    

Hi! Sana magustuhan niyo tong chapter na ito. 😊💙

Dedicated itong chapter na ito kay @tutnek na anak namin ng asawa kong si Miggy. lol 💏💑

 lol 💏💑

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~

Is it really possible for one heart to love two people at the same time? Sinong pipiliin mo, mahal mo o mahal ka?

***

Chapter 33

Mico's POV

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang magsalita na naman yung professor gamit yung megaphone niya. Naramdaman kong may nakapatong na mabigat sa ulo ko, then I realized na ako na pala yung nakahilig sa balikat ni Gab tapos nakahilig naman siya sa ulo ko.

"We'll have our first stop so you can pee or do whatever you want. The break will be for just 30 minutes so make sure you'll be back early if you do not want to be left. Did I make myself clear?"

Nagising si Gab nang umalis ako sa pagkakahilig sa balikat niya. Pupungas-pungas pa yung mga mata nito.

"Hala sorry.." yan nalang yung nasambit ko nang makitang natuluan ko pala ng laway habang natutulog yung manggas ng t-shirt niya. Agad ko itong pinunasan ng aking panyo.

Grabe kulay gray pa naman yung t-shirt niya kaya kitang-kita yung basang part. Oo, tulo-laway talaga ako kapag tulog.

"Sorry talaga." paghingi ko ulit ng sorry. Ang akala ko'y magagalit siya pero..

"Hindi, okay lang." anya at saktong huminto yung bus  nang tumayo siya upang kumuha ng isang damit sa bag niya na nasa taas ng pwesto nina George at Tyrone.

Nagbabaan na silang lahat at ako na lang yung naiwan sa loob ng bus.

Kukunin ko sana yung bag ko sa taas para kumuha ng pagkain pero hindi ko abot dahil masyado itong nasuksok sa dulo. Shemay lang. Tinulungan pa nga pala ako ni George kanina para lang malagay yun dun.

"Ang hirap talaga maging bansot." pagkausap ko sa sarili ko habang nagtatalon-talon na para abutin yung bag pero wala ring silbi.

Nagulat na lang ako nang mula sa likod ko ay may umabot nito para sa akin. Nagkadikit yung mga katawan namin and even without looking at the person, alam kong SIYA yun based on his scent. That so manly scent that sweeps you off of your feet.

Bigla akong parang naging tuod at dahan-dahan siyang nilingon.

"S-S-Salamat." aniko pero hindi siya sumagot at sa halip ay muli nang umupo sa pwesto niya sa tabi ng bintana.

Locker 246Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon