chapter 32. conversation

908 26 1
                                    


Prince POV.

Bakit ayaw mo ba na sabihin sa  akin  ang mga sinabi sayo ni melody.
Sinabi ki na namn sayo ah. Ano pa ba ang gusto mong malaman.
Yung totoo.
Lahat ng sinabi ko ay totoo.
Talaga bang makikipag hiwalay ka sa akin.
Ano pa ba ang tingin mo.
Ang akala ko pa namn ay may nararamdamn ka na rin para sa akin pero nag kamali pala ako. 

Nakatingin lang sya sa akin.

Sana ay hindi mo na lang ako binigyan ng pag kakataon na kilalanin ka para hindi ako nagkaruon ng gusto sayo. 
Hindi namn kita pinilit ah. 
Kahit kunti ba ay hindi mo ako minahal.

Matagal bago siya sumagot.  Kita ko sa mga mata niya ang pagdadalawang isip niya. Pero masakit marinig na kahit kunti ay hindi niya ako minahal.

Hindi kaya wag ka ng lalapit pa sa akin.  Tumalikod siya sa akin.
Wag mo na sanang sayangin ang oras mo sa katulad kong babae.  At sana wag ka ng madamay  pa sa akin.

Hindi ko maintindihan ang mga huling sinabi niya. Anong ibig sabihin ni happy.
Tumayo ako   at nag deritso sa sala.  Naabutan ko sila  lucky na  nakaupo.

Lucky. Tawag ko sa kanya.
Ano yun.
May nalalaman ka ba sa problema ni happy.
Wala.
Pero sa problema bilang magkapatid meron.

Sumeryoso ng mukha si lucky bago sumagot.

Bakit mo namn na itanong.
Kasi parang nararamdamn ko na may mali sa mga  kilos ni happy.
Sa tingin ko ay may kinatatakutan siya.  Singit sa amin ni vince. 
Oo napansin ko rin na wala siyang ganang kumain.  Sabat ni Britney.
Tska balisa siya.
Teka  meron bang ngaway kay happy.
Tanong sa amin ni hikari.

Tumayo si britney at nag palakd lakad.

Nag kaganyan  na sya dati eh.  Nagkukulong sa kwarto at walang gustong kausapin.  Baka bumalik nanamn sya sa  dati. 
Wag mong sabihin yan Britney.  Saway sa kanya ni lucky. 
Tama.  Kaylangan alamin natin kung bakit sya nag kaganyan.  Sabi sa amin ni vince.
Wait lang diba ang sabi ninyo ay pinuntahan siya ng kakambal niya kahapon.  Tanong ni hikari.
Tama at simula nun ay nag kaganyan na siya.

Nakita ko ang galit sa mukha ni lucky at ni Britney. Tumati si lucky.  At galit na naglakad papuntang taas.  Kinatok niya si happy.  Rinig hanggang baba ang  katok niya kaya napalabas sila mama sa kusina.

Ano yun.  Tanong ni tita ligaya.
Wala po.  Sagot namin.
Tapos bumalik na sila sa kusina.

Baka kasi pag sinabi pa namin ay lalong magkagulo.
Alam ko na mainit din ang dugi ni tita sa  kinakasama ngayon ng asawa nya.

Minabuti na namin na umakyat.   Nakita namin ang pag pasok ni lucky  sa kwarto ni happy.  Naupo kami sa lapag at idinikit ang tinga namin sa  pinto.

Rinig namin ang usapan nila. 
,.................................

Happy POV.

Parang masisira ang pinto kp sa mga katok ni kuya. 
Natakot ako kaya pinagbuksan ko agad.  Ng  makapasok siya ay agad siyang umupo sa  kama ko.

Anong kaylang mo sa akin kuya.  Tanong ko sa kanya.

Kita ko ang galit sa mga mata niya.

May nagawa ba akong mali.
Tanong ko sa kanya.

Anong ginawa ni joy dito kagabi.  Tanong niya sa akin.
Ha wala namn nakipag kwentuhan lang sa akin.
Happy namn wag mo  na akong lokuhin kilala ko sa joy.  Kaya alam ko na may sinabi nanamn siya sayo.

Natahimik  ako sandali.

Wala talaga siyang ginawa dito kuya.
(Baka). Sigaw niya sa akin.  Hindi ako ipinanganak kahapon kaya alam ko na may problema ka.  Mag kapatid tayo happy. Alam mo na kapag nasasaktan ka ay nasasaktan din ako.
Pero diba kapatid din natin si joy.
Oo alam ko yun pero  sinasaktan ka niya.
Hindi namn niya kasalanan yun eh.  Alam mo kuya kung bakit naging ganyan siya. 
Alam ko.  Pero alam ba niya kung anong naging buhay mo ng umalos sya sa atin at ginawa kang pang bayad sa mga kasalanan nya.  Alam mo rin kung gaano kami nasaktan ng malaman namin yun happy.
Pero kuya.
Tama happy.  Sabihin mo nalang sa akin ang sinabi sayo ni joy.  Alam ko na dahil gan kaya ka nakipag hiwalay kay prince.  At alam ko rin kung bakit lumalayo ka sa amin. 

Naluluha na ako.  Tama bang sabihin ko kay kuya. Baka malaman ni joy na sinabi ko sa kanya at may gawin siyanv masama ka kuya.   Hindi ko mapapayagan na masakta. Siya.

Wala talaga kuya.   Pag dedenay ko.
Kung talagang ayaw mong sabihin ay bahala ka pero wag mo na akong tatawagin kuya simula ngayon at wag ka na rin lalapit sa akin kahit kaylan.
Tutal wala kanamn tiwala sa akin.  Eh kaya mag isa mong harapin ang problema mo.  You don't  deserve  a friend.  Sinasarili mo masydo ang problema mo.  Madamot kang mamahagi kaya  ang piling mo ay maraming ayaw sayo.
Tama nga si joy  maramot ka.

Tapos tumayo na siya.  At lumabas. 
Ng maisara na niya ang pinto ay nag tuloy tuloy ng umagos ang mga luha sa mata ko.  Hindi ko na siya mapigilan.  Tama na rin na layuan ako ni kuya.  Tama rin na layuan ako ng mga tao.  Tama nga sila.

Humiga ako sa kama ko at humagol gol.  Hindi ko na kasi mapigilan eh.  Naiinis lang lalo ako kapag nagkakaganito. 
Nag kulong lang ako sa kwarto ko.  Wala akong ibang ginawa kundi ang tumingin sa orasan.   Ilang oras na lang pala ay new year's  na. 

Maya maya ay kinatok na ako nila mama pero hindi ko sila hinarap  sabihin na nila kung ano ang gusto nilang gustong sabihin pero ayoko na nama involved  pa sila sa akin.  Lalo lang akong mahihirapan.
Tumayo ako at tumingin sa bintana ko ng marinig ko ang putukan ng mga fireworks  sa labas.  Nakita ko rin ang masayang kantahan nila kuya sa baba.

Masmabuting lumayo na ako sa kanila.  Pumunta ako sa cabinet  ko at kinuha ang malaking maleta.  Ininpaki ko lahat ng damit ko pwera sa mga damit na ibinigay sa akin nila hikari.  Pati ang binigay ni lolo. 
Kumuha ako ng papel at ball pen.
Ng alam ko na tulog na sila ay agad akong umalis.  Iniwan ko ang papel sa ibaba ng  lamesa sa kusina.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero masmabuting mag pakalayo layo na lang yung walang mag babanta sa akin ng masama.
.......................

Itutuloy..............

My Childhood CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon