Got You
“Urielle! Get your ass up!”
Naalimpungatan ako dahil sa pagsigaw ni Carly sakin. Damn! Ang sakit pa ng ulo ko dahil sa bridal shower ni Claire kagabi. Three days straight na akong nagpupunta sa club at tatlong araw na rin akong umiinom. Heck! I'm sure fats will form already.
“Urielle! Come on! We're going to be late for the wedding!”
Agad akong napatayo sa sinabi ni Carly. Tinignan ko rin ang cellphone ko para malaman ko kung anong araw na. Napamura ako ng mapagtantong ngayon na pala ang kasal ng kapatid ni Cleo. Inis akong bumangon at nagmadaling pumunta sa bathroom. I took a quick a shower and hurried to where we'll be dresssed.
Pagdating namin doon ay agad akong inayusan ng bading na hinire nina Cleo. Nasa loob kami ng kwarto ni Cleo at narito pa ang kapatid na inaayusan dahil nagkaaberya daw sa naunang make-up team na hinire nila. Kasama ko rin dito sina Cleo, Carly at Kyra na kita kong tinitingnan nila ang aking repleksyon sa malaking salamin sa harap ko.
“If I was not informed, I would tell that Urielle is the bride.” ani Carly.
Nakita ko ang ang pagtango nila pati na rin ng baklang nag-aayos sakin. Ngumiwi ako ng makita kong may hawak na videocam si Kyra. What the hell is she thinking? Hindi naman ako ang bride para kuhanan nya ng video.
Nang matapos ang bading sa aking mukha ay sinunod nya ang pag-aayos sa aking buhok. Ginawa nyang malaki ang kulot ng aking buhok at nilagyan ng malaking pin ang likod ng buhok ko. Habang isinusuot ko ang cream halter na gown ay pumasok ang mommy nina Cleo. Natapos na rin kasing ayusan si Claire kaya siguro pumasok ang mommy nila. Lumabas na kami dahil magkakaroon pa daw ng pictorial sa bride. Habang papunta kami sa baba ay tumunog ang phone ni Carly. Umalis sya saglit at nagpunta na lamang kami ni Kyra sa salas para hintayin ang bride.
Nasa isang van nakasakay ang ibang abay at ang ibang groom's men naman ay sa isa pang van. Sumakay naman sa sasakyan nina Dame at Klein sina Carly. Naiwan naman ako pati na rin ang mommy ni Claire para samahan sya sa sasakyan. Si Cleo naman ay sinundo na rin ni Thorin gamit ang Convertible nya.
Nang makarating sa simbahan ay namangha ako sa kabuuan ng naging ayos nito. Kung titignan mo ito ay mapapagkamalan na isang kasalan ng isang maharlikang pamilya noong Medieval Times. Napaka-eleganteng tignan nito. Bumagay pa rito ang mga suot namin para dito sa okasyong ito.
“Urielle! Come, they'll take photos.” ani Carly nang makalapit sya sa akin.
Habang kinukuhanan kami ng litrato ay hindi ko na napigilang mapatingin sa bagong dating lamang. Sa suot nitong black longsleeves na pangloob na pinatungan ng puting coat ay lalong nadepina ang katawan nito. Nangunot ang noo ko ng makita ko kung sinong katabi nito. Pumunta na lamang ako sa loob ng matapos ang mga photographer.
“Who's that?”
“Who are you talking about?”
“The bitch beside Hendrick.”
“Can you just filter your words Carly? You're in the church for pete's sake!” I whispered at her.
“Well who's that female dog?”
“Carly.”
She gasped. “Oh my god. You are so mean, Guevarra.” I just chuckled at her and she hit me with her purse. “Just tell who the girl is.”
“Celestine.”
“Celestine what?”
I arched my brows at her. “Are you going to follow her on IG?”
BINABASA MO ANG
Urielle ( B&D Series #1 )
General Fiction𝙟𝙪𝙨𝙩 𝙖 𝙥𝙚𝙖𝙘𝙚𝙛𝙪𝙡 𝙫𝙖𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙩𝙪𝙧𝙣𝙚𝙙 𝙞𝙣𝙩𝙤 𝙪𝙣𝙚𝙭𝙥𝙚𝙘𝙩𝙚𝙙 𝙚𝙫𝙚𝙣𝙩𝙨.