Chapter 21

26 7 0
                                    


Making Progress

Nang lumapag ang hinihintay naming private plane sa harapan ng bahay ni Cleo ay agad na kaming sumakay doon. Hindi naman ito gaanong malaki kaya okay lang. Kasama pa rin namin si Heather. Si Alder naman ay nakatulog nang hinihintay na dumating ang sasakyan. Nang lumipad na ito ay narinig ko pa ang pagtili ni Heather at ang paghigpit ng yakap nya sa akin.

      “Sleep lady. Medyo mahaba ang byahe. Look Heather's sleeping.” aniya.

     “No. Nakatulog na nga ako kanina habang papunta tayo kay Cleo tapos gusto mong matulog ulit ako. No way Hendrick." I hissed.

         "Fine. Just sleep when you need to rest."

Nang makarating kami ay nagulat ako sa nakita ko habang nasa itaas pa kami. Nasa isang isla pala ang sinasabi nilang private resort. Pagmamay-ari pala ito ng lolo ni Drake. Nang makababa kami sa isla ay kaagad kaming sinalubong ng mga staff. Kinuha na rin muna sakin ni Hendrick si Heather para makapagpahinga ako.

          "Hija, halika at sasamahan na kita sa kwarto mo. Ako pala si Celia, asawa ako ng caretaker ng villa na tutuluyan nyo."  nakangiting turan sa akin ni Nanay Celia.

Habang papunta sa loob ng villa ay nakita ko ang ibang staff na seryoso sa ginagawa nila. Nasabi rin sa akin ni Nanay Celia na iyon daw an tradisyon nila dito. Nagkakaroon sila ng malaking salu-salo kapag may bisita sa isla. Nakagawian na raw iyon magmula noong dito nanirahan ang lolo ni Drake kasama ng may-bahay niya.

    

         "Heto na ang kwarto mo. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka."  ani Nanay Celia nang makarating kami sa tapat ng pinto ng kwarto.

         " Sige po Nanay Celia, salamat po pala."

         "Walang kaso sa akin, hija. Natutuwa nga ako dahil nagkaroon ulit ng laman ang bahay na 'to. Halos sampung taon na rin ang nakalipas mula nang umalis dito si Don Leonardo."  aniya. " Sige maiwan na muna kita at aasikasuhin ko pa ang mga taong naiwan doon sa hardin."

Pagkaalis ni Nanay Celia ay agad akong napatingin sa labas ng bahay. Nakakarelax talaga kapag ganitong tanawin ang makikita mo. Kahit nasa isang isla lamang ang villa na ito ay makikita ang mo ang dagat. Habang nagmamasid sa paligid ay natanaw ko si Hendrick na nakikipaglaro kay Heather. Halata namang masaya si Heather na makipaglaro sa kanya.

Napangiti naman ako nang lingunin ni Hendrick ang gawi ko. Nilingon naman nya si Heather at itinuro ako. Maya-maya pa'y nakangiting kinawayan ako ni Heather. Ginantihan ko na lamang sya ng isang ngiti. Natigil ako nang may dumaang imahe sa utak ko.









Hendrick and I, happily living with our kids. 

------------------------------------------------------

Halos maghahapunan na rin nang tawagin ako ni Nanay Celia para bumaba. Nakatulog kasi ako nang makapagtanghalian kami. Kasama ko rin si Heather nang makatulog ako. Pero nang magising ako ay wala na ito sa tabi ko. Nang makapag-ayos na ako ay bumaba na ako at laking gulat ko na lamang na salubungin ako ni Hendrick sa baba ng hagdan.

Di ko na naman maiwasang tignan ang kabuuan niya. Nakasuot lamang ito ng puting polo at jeans. Kung titignan sya ngayon ay para syang isang model. Nag-iwas ako ng tingin nang makita kong tumaas ang sulok ng labi nya. Akala nya siguro ay papansinin ko sya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nya kanina noong tanghali.

Habang naglalakad kasi ako sa pampang ay bigla na lang nya akong binuhat at itinapon sa dagat na akala mo ay isa akong magaang bagay. Hindi pa ako nakakahuma sa pagkakabigla ay hinila naman ako pailalim ni Hendrick. Nakakainis lang dahil kakatapis ko lang kumain. At hindi ako sanay na magkaroon ng cramps. Naalala ko pa noong minsang nagkaroon ako noon ng cramps ay halos palipadin ni Blake ang kotse nya para lang makarating kaming hospital.


Urielle ( B&D Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon