"PA"
Hindi ko alam kung ako'y iyong binuhat nung ako'y bata pa,
hindi ko alam kung nariyan ka sa una kong hakbang,
hindi ko alam kung nariyan ka sa una kong pagbigkas ng salita,
hindi ko alam kung naroon ka sa mga una kong mga panahon.
Wala ka sa panahong nag-aaral ako,
wala ka sa mga panahong ika'y kinailangan ko,
wala ka noon para protektahan ako,
wala ka sa mga panahon na isang ama ang kinailangan ko.
Hindi ko na maalala ang huli nating pag-uusap,
hindi ko na maalala ang huli nating pagyakap,
hindi ko na maalala ang huli nating pagkita,
at ang pinakamaaakit,
hindi ko na maalala ang iyong itsura.
Ang sabi nila, masama ka.
Na wala kang kwentang ama,
na puro pasakit lang ang iyong pinadarama,
na isa kang taong masama,
at ang masaklap,
ako'y naniwala.
Pinaniwalaan kong ganoon ka,
na wala kang kwentang ama,
na iniisip mo lang ang sarili mo,
na isa kang sakim na tao.
Minsan kitang nakasama.
Lubos na pagmamahal ang iyong pinadarama.
Puno ng pag-asam ang iyong mga mata,
malayo sa mga sinasabi nila.
'Pag tayo ang magkasama,
para kang bata at ako ang ama.
Nagkapalit ang papel nating dalawa,
dahil pinagagalitan kita sa mali at tama.
Hindi ko alam kung kailan ang iyong kaarawan,
hindi ko alam kung ayos ka lang ba,
hindi ko alam kung inaalagaan mo ang iyong katawaan...
Ako ang walang kwenta.
Ngayon ako'y sisingsisi.
Sa mga panahong magkasama ay aking binaliwala,
at ngayon nais kitang makasama,
at muling makita ang iyong ngisi. Kaya pa,
pasensiya na.
Ako'y masyadong nabulag na,
Sa mga salitang walang kwenta. Walang ginawa kundi siraan ka. Kaya patawad pa,
dahil hindi mo pa nadarama,
ang pagmamahal ng isang anak sa kanyang ama,
at hindi narinig ang sabihang "pa, mahal kita."
Pa, miss na kita...
Kapit lang,
parangawa mo na.
Pa aalagaan pa kita,
gagawin natin ang ginagawa ng mga mag-ama.
Pa, kapit lang ha?
Kakausapin pa kita,
yayakapin pa kita.
At sasabihin ko pa sa iyo na,
"Pa, mahal na mahal na mahal kita."
Bago ako'y tuluyang kalimutan mo na.© OhDandani
Follow me on Instagram! @ohellaella
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PoetryIsang pagtitipon ng mga obra - A compilation of my masterpiece. #23 April 3, 2017 #6 April 14, 2017