"TOTGA"/"IKAW ANG TOTGA KO"
Kausap kita.
At tulad noong huli nating pag-uusap ako'y tuwang tuwa,
At pilit na inaalis sa aking isip na ako'y kinikilig pala.
Ayokong maalala na gusto pa rin kita
Kasi ang sakit isipin na kahit kailan hindi ka mapapasa akin,
At habang kausap ka,
Pumasok sa isipan ko na, ikaw nga ang aking TOTGA.Ika-siyam na baitang.
Ang umpisa.
Unang nagkita,
Unang nagkakilala,
Unang seatmate,
At una hanggang usapan at asaran lang tayo,
Sabi ko ayoko... hindi kita type... wala ka sa standards ko
Pero nadali pala ako sa sarili kong patalim,
Dahil sa huli nahulog ako ng pagkalalim,
Gusto kita.
Pero ang tagal bago ko matanggap ang damdaming matagal nang naririto sa puso ko.Araw araw pilit na itinatanggi ang bawat ngiti na gumuguhit sa aking labi sa tuwing may sasabihin kang hindi nakakatawa pero tinatawanan ko pa rin.
O kaya sa tuwing inaasar mo ako pero hinahayaan ko lang 'yon dahil naging parte na 'yon sa siklo ng araw ko.
At oo, tinatanggi ko ang mga mapang-asar na salita ng ating kaklase na magiging tayo raw. Dahil siguro ayokong maniwala..Lalo na siguro akong nahulog sa tuwing sa 'yo ako magpapaturo ng ayon sa 'yo mga "simpleng " numero. At sa bawat turo mo sumisimple rin ang nga numero ngunit ang nararamdaman ko para sa 'yo ay mas naging kumplikado
Lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang nahulog ako sa hagdan, at hindi man ikaw ang sumalo, kamay mo naman ang humila sa akin upang muli akong makatayo. Nang-asar na naman ang mga kaibigan ko at pilit ko naman itong tinatanggi habang tinatago ang aking kilig at ngiti pero binubulong sa sarili: Sana kaya mo rin akong itayo mula sa pagkahulog ko sa 'yo.
At noong batch party, hinihiling kong lapitan mo 'ko. Yayaing isayaw mo, tulad ng ginawa mo sa iba. Ngunit hindi mo ginawa, ayos lang. Kasalanan ko, umasa kasi ako.
At nang matapos ang ika-9 na baitang, ang sabi ko sa sarili ko: Wala lang siguro 'to, lilipas din ang damdamin ko.
Ika-sampung baitang.
Hindi na kita kaklase at lagi kong sinasabi sa 'yo at sa lahat ng kaibigan ko na "Buti nga, wala nang mang-aasar sa akin." Pero ang totoo, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot dahil sa pagkawala ng presensya ng katabi ko.Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa dahil hindi pa pala patay ang koneksyon nating dalawa. Nangangamustahan tuwing nadadaanan ang isa't isa, at patuloy mo akong ginagabayan sa mga numerong hindi ko maintindihan. Pero mas hiniling kong maintindihan ko ang nararamdaman ko para sa 'yo.
Dahil akala ko kasi wala na. Sabi ko kasi "Baka wala lang 'to". Pero nagkamali ako, dahil hulog na hulog na pala ako sa patibong sinabi kong iiwasan ko.
Lalo pang lumalim ang bangin kung saan ako kusang tumalon sa tuwing binabati mo 'ko sa pagpasa ko sa pagsagot sa mga numero.
At nang natapos ang ika-sampung baitang, nadismaya muli ako. Baka nga wala lang 'to.
Ika-labing isang baitang.
Hindi man ikaw ang una kong sinabihan na nakapasok ako sa klase ng mga matatalino pero ang saya ko sa simpleng pagbati mo ng "Congratulations, you deserve it". At sinabi ko na "Ikaw, dapat nandirito ka rin kung hindi lang mukhang basura ang mga proyekto mo" at diyaan na naman nagsimula ang asaran nating dalawa.At syempre, ikaw pa rin ang aking guro sa mga numerong ikinalilito ko pero ikinatutuwa ko. Dahil isa 'yon sa mga rason kung bakit nakakausap kita. Dahil sa tuwing tuturuan mo 'ko, hindi mawawala ang nga sarkastikong komento ko na papatulan mo.
Biglang isang araw, nalaman ko na lang na may pinopormahan ka. Sabi ng mga kaibigan ko sa akin "Awe, sayang" Oo nga, sayang. Ngunit pinanindigan ko: hindi kita gusto. Kaya ang sinabi ko sa kanila, "Buti pa siya may jowa na."
Ilang araw kong tiniis na ngitian ka sa tuwing ang landas natin ay magkikita dahil kasama mo siya. At sa tuwing kausap kita at nagpapaturo, naiisip ko kung tinuturuan mo rin ba siya? Napagtanto ko na ang halaga ng mga numerong ito, na sa una ang rason lang ay para makausap ka dahil ngayon gusto kong angkinin na ang mga numero at sana ako lang ang turuan mo. At sa tuwing may itatanong ako sa 'yo sa chat, hindi ko maiwasang maisip, kung kausap mo rin ba siya? At sa tuwing inaasar mo ako, ganoon din ba ang pakikitungo mo sa kanya?
Akala ko kasi may pag-asa, o kahit papaano masolo kita dahil hindi ko naman alam na may makakapagbihag pala sa'yo ng tuluyan. Dahil akala ko may pag-asa. Sa tuwing iniinis o inaasar mo ako—ang bagay na hindi ko nakikitang ginagawa mo sa iba, maliban sa mga kaibigan mong lalaki. Akala kasi ko may pag-asa ang tayo.
Pero ayos lang dahil noong itinanong kita kung kamusta naman siya? Walang segundong hindi ko naramdaman na masaya ka. Kitang kita ko ang saya mo sa likod ng mga salitang ginagamit mo upang ilarawan ang taong gusto mo.
Pero sa prom ng ika-11 baitang. Hindi na dumaan sa isip ko na tatanungin mo ako, dahil alam kong may iba ka dapat na isayaw. Kaya labis kong ikinagulat nang yayain mo ako. At habang sa pagsayaw ang bilis ng takbo ng puso ko, para 'kong nasa karera at alam kong mananalo ako. Sa bawat hakbang ng ating mga paa. At habang sumasayaw, ang ating mga mukha ay nag-aasaran pa. Pilit kong hinihiling na sana hindi huminto ang musika. Dahil hindi ko pa yata kayang bitawan ang kamay mo na minsan ko lang nahawakan. Ngunit sa paghinto ng musika, alam kong natalo ako sa karera. Dahil sa paghinto ng himig, bumitaw rin ang 'yong kamay at alam ko na sa oras na 'yon, dapat na rin kitang bitawan, at magpatuloy habang dala dala ang nakaraan nating dalawa, ang ating mga alaala.
At natapos ang ika-labing isang baitang na hinihiling ko na sana, hindi ikaw ang huli kong nakasayaw, hindi sana ganito kasakit sa tuwing inaalala ko ang gabing binitawan kita.
Ika-labing dalawang baitang
Bagong simula—Akala ko lang pala. Dahil hanggang ngayon, alam kong gusto kita. Pero pilit na tinatago dahil hindi nga tama.Kausap kita.
At tulad noong huli nating pag-uusap ako'y tuwang tuwa,
At pilit na inaalis sa aking isip na ako'y kinikilig pala.
Ayokong maalala na gusto pa rin kita
Kasi ang sakit isipin na kahit kailan hindi ka mapapasa akin,
At habang kausap ka,
Pumasok sa isipan ko na, ikaw nga ang aking TOTGA.
Dahil gusto na nga kita.
Kaso may gusto ka na ring iba.
May magbabago kaya kung ipinagtapat ko dati na gusto kita?Pero kahit papaano nagpapasalamat pa rin ako
Na hanggang kaibigan lang ang mararating 'tayo'
Dahil hanggang ngayon nakakausap pa rin kita
Ngunit hindi maalis ang tinik sa aking puso
Na sana kahit papaano,
Nasabi ko man lang sa 'yo
Na gustong, gusto kita.© OhDandani
Follow me on Instagram! @ohellaella
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PoetryIsang pagtitipon ng mga obra - A compilation of my masterpiece. #23 April 3, 2017 #6 April 14, 2017