"BAKA, SAKALI"
Isang taon
Dalawang taon
Tatlo
Nandirito pa rin ako, naghihintay sa 'yo
Sa parehong upuan, kung saan mo 'ko iniwan
Kung saan nagtapos, ang pag-ibig na hindi na umaagos
Kung saan ibinaon, ang relasyon na kinupkop ng sampung taon
Nandirito pa rin ako, at naghihintay sa 'yo
Umaasa na, babalik ka pa
Ang daming baka, sakali sa utak
Hindi ko alam kung gaano kalawak
Ang pag-asa ko na babalik ka pa
Naisip ko kasi,
Baka sakali, magising ka sa umaga,
At hanapin mo 'ko, tulad ng mga araw na tinatawagan mo ako, para paalalahin na mahal mo ako.
Baka sakali, magising ka sa gabi, naghahanap ng katabi, tulad ng mga araw na ika'y aking yayakapin, tuwing binabangungot sa 'king piling
Baka sakali, habang ika'y kumakain, ako'y bigla mong maalala at ang niluluto kong pagkain, na iyong babaunin
Baka sakali, habang nakatingin ka sa kanya, tulad ng mga titig mo sa aking mga mata, ako'y iyong maalala
Baka sakali, tuwing tatawagan mo siya, ang boses ko ang maririnig mo dahil sa mga alaala, kahit ito'y isang akala.
Baka sakali, isang umaga, damdamin mo para sa kanya'y naglaho na, at,
Baka sakali, maisip mo na ako naman ulit, ang ang iyong ipapalit, sa pusong hindi kumpleto, kaya bubuuin ko
Baka sakali, hindi ka rin makagalaw, sa karagatan ng ating sirang pagmamahalan
Baka sakali, bumalik ka, at ang puso ko'y panghahawakan mo pa, dahil 'di mo kaya, tulad ng 'di ko kayang mabuhay nang wala ka
Baka sakali, muli mo 'kong hanapin, nais mong yakapin, pagalis ko'y hindi kayang tanggapin, sa isip 'di kayang burahin, sa puso 'di kayang alisin
Nandirito lang ako, naghihintay sa 'yo
Sa parehong upuan, kung saan mo ako iniwan
Dahil baka sakali, bumalik ka
Pero ako'y wala na.© OhDandani
Follow me on Instagram! @ohellaella
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PoetryIsang pagtitipon ng mga obra - A compilation of my masterpiece. #23 April 3, 2017 #6 April 14, 2017