#9 Sana

1.4K 8 0
                                    

"SANA"
TULA

Hindi na ba malilimot
Ang itinagang sakit at poot?
Dahilan ng iyong paglaho
Ang iniluluha ng mga mata ko?
Hindi na ba mabubuhay
Ang pusong iyong pinatay?
Niyakap ng iyong kasinungalingan,
At binulag sa katotohanan?
Sana hindi nag-ibigan
At nanatiling magkaibigan
Hindi na sana nasasaktan
Ang pusong iniwan
Sana 'di nag-usap
At pinansin ang iyong pagsulyap
'Di na sana hinahanap,
Ang iyong matatamis na yakap.
Ngayon ako'y tulala
Ngunit luha'y umaagos
Sana 'di nagsimula
Nang walang natapos.

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon