#10 Alas Dos

1K 7 0
                                    

"ALAS DOS"

Gusto kong lumuha
Gusto kong ibuhos lahat ng luha
'Di ko alam kung bakit, pero may mga araw lang talaga, na ang lungkot ay hindi katumbas ng saya
At ang lungkot, ay tinalo ang saya
Kaya napagisipan kong pumuli ng pelikula
Na aking papanuorin upang lumuha
Ngunit ayaw ko nang panuorin ang mga pelikula na
Paulit ulit kong napanuod na
Kaya nag-isip ako ng mga bagay na kayang tanggalin si saya
At palitan ni lungkot ang nadarama
Para ang luha'y umagos na
Hanggang sa naisip kita
Bigla kong naalala
Ang mga gabi na iniyakan kita
Mga gabing nakatitig sa tala
At nagdarasal na sana bumalik ka
Pero ang nakakapagtaka
Ang pakiramdam ko'y ubos na
Ni isang luha'y 'di nagpakita
Bakit kaya?
Dati, sa isang iglap ng iyong mata
Ako'y naluluha na
Iniisip ang mga araw na tayo'y magkasama
Ako'y naluluha na
Pero ngayon.
Ngayong gabi.
Inisip ko muli ang mga araw na tayo'y nagsasaya
Simula sa umpisa
Ang kuwento nating dalawa
Pero wala akong madarama
Siguro...
Siguro ang luha ko'y ubos na
At ang puso ko'y bato na
Kaya kahit ikaw lamang ang laman ng isipan
Ikaw, na aking iniyakan,
Pinili ka na ring iwan.

Pero anong bagsak ko?
Hiniling kong makalimutan ko, ang mga araw na magkasama tayo
Ang bawat haplos ng kamay mo
Ang pagdampi ng labi mo
Sa musmos na labi ko
Dahil sa mga araw na nanlimos ako
Ng kaunting pagmamahal mo
Ng kaunting pag-asa para ipagpatuloy ko ang patay na buhay
Dahil sa mga araw na humihinga pero ang pakiramdam ay patay
Dahil sa mga araw na nariyan ka pero wala
Dahil sa mga araw na malapit ka pero ang layo
Dahil sa mga araw na kayo pero dapat tayo
Dapat tayo pa rin
Pero wala
Dapat ikaw pa rin pero wala
Dapat ako pa rin pero wala
Dapat ito pa rin pero wala
Dapat sapat pero hindi
Dapat sapat pero hindi ka marunong makuntento o hindi mo ba kayang bitbitin ang bigat ng koronang aking dalahin?
Kahit sa umpisa ng ating kwento
Ang iyong unang pangako
Ay mananatili ka sa tabi ko, kahit ang langit ay bumagsak at ang lupa'y maglaho?
Ang mga salitang naaalala ko pa
Ang mga pangakong napako?
Sa mga araw na sinusubukan kong alamin kung ang salita mo'y totoo, kung maaari pang panghawakan dahil hindi sigurado kung sa una pa lang ay hindi ito totoo.
Sa mga panahong nag-iisip ako kung kailan darating ang araw na maiisip kita at wala na akong madarama
Pero mali pala,
Dahil parang mas masakit, ang walang nasa damdamin
Habang nasa aking isip ang alam kong atin?
Walang nadarama
Dahil ako'y ubos na
Akala ko'y aking ikasasaya
Ang makaramdam ng wala
Akala ko mas nakakabuti
Ang maging manhid
Pero mas masahol pa pala
Ang walang maramdaman, kahit alam mong nariyan lamang ang ating pinagsamahan.

Kaya sana,
Bumalik ako sa umpisa
Bago kalimutan ka
At ulit ulitin ang sakit na masaya
Mas masaya pa kaysa sa pakiramdam ng wala
Ito na yata,
Ang pinakamalungkot kong alas dos ng umaga.

© OhDandani

Follow me on Instagram! @ohellaella

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon