"PAGMULAT"
GROUP SPOKENDadaan na siya! Dadaan na siya! Huwag kang magpapahalata!
Sige lang kiligin ka pa!
Grabe ikamamatay ko na!
Wala na ba?
Wala na ba siya?
Tingin sa kanan,
tingin sa kaliwa.
Doon tayo nag simula.
Sa layo,
ika'y aking minamata,
masaklap man,
pero hanggang tingin lang kita.
'Yung binubulong ko sa sarili ang mga salita,
mga salita tulad ng,
"Gusto kita,"
Kaibigan lang naman kita,
kaibigan lang kita sa una.
Kaibigan lang ang turing natin sa isa't isa.
Kaibigan lang...
ang tingin natin sa dalawa.
Kaya sinusubukan kong 'wag mahalin ka.
Kasi kaibigan nga 'di ba?
Pero ang sinasabi ng puso ko ay iba,
isinisigaw nitong
"Mahal kita."
Masisisi ba?
Kung sa bawat galaw at salita,
ay parang nagpapakita,
ng motibo na ako'y napapasaya!
Na parang gusto mo rin ako
'di ba?
Kaibigan lang kita.
Kaibigan lang.
Pero ang saya ko nang malaman ko na pareho tayo ng nadarama!
Na 'yung paghawak mo ng kamay ko ay sinasadya mo na pala,
na 'yung pagyakap mo sa akin ay ninais mo pala,
at yung pag-iyak mo sa aking balikat ay hindi baliwala.
Na lahat ng iyon ay ang paraan mo ng pagsigaw ng "Mahal kita!"
Ang saya sa mga unang araw na magkasama.
Walang sawa sa isa't isa, titigan lang sa mata,
kuwentuhan sa umaga.
Pagdating sa gabi kapag ika'y magpapaalam na,
hindi mawawala yung salitang "mahal kita."Pero 'di rin nag tagal nang ika'y nagsawa.
Hindi ko alam kung bakit,
pero kulang pa ba?
Ako'y nagkulang ba?
'Yung pagmamahal at lahat lahat na?
Kung dati ang salita mo'y 'sing tamis ng mga tsokolating ibinibigay ngayon ay kasing lamig na ng kapeng iyong itinitimpla.
Kung alam mo lang kung gaano kahirap ang magdusa,
magdusa sa pakiramdam na pinagsasawaan ka.
Niloloko ka,
pinagmumukhang tanga...
At higit sa lahat,
pinapaikot ka.
Nakakapagod na.
Pagod na akong hintayin ka,
pagod na akong unawain ka,
kung pag dating sa akin ay hindi mo kaya.
Sobrang daya...
Na nakakapit parin ako kahit kumalas na.
Pero dahil nga mahal kita,
tara laro pa!"Ang pagmamahal ay sugal!"
Wika nga nila.
Nung una akala ko biro-biro lang pero totoo pala?
Na kapag ika'y nagmahal dapat mag iiwan ka ng alas para ano 'man ang mangyari hindi ka tuluyang sawi...
Durog...
sirang-sira.
Oo mamahalin kita hanggang sa aking makakaya.
Oo pinangako kong ikaw lang at wala ng iba.
Oo sinumpa kong kakapit ako kahit ang hirap na,
at oo mahal kita.
Pero hindi kita pinahintulutang saktan ako ng paulit-ulit 'tulad ng ginagawa mo sa iba.
Mahal ko ibahin mo ako sa kanila. Kung sila,
kakapit at hinahayaan ka,
na sirain at babuyin sila ng walang sawa...
Ibahin mo ako sa kanila.
Itulad mo ako sa paa,
katawa-tawa man pero itulad mo ako sa kanila.
Kasi ako?
Napapagod...
nasasaktan...
At dumarating sa puntong manhid na.
Mahal, hindi ko alam kung ako'y nagkulang ba?
Hindi ko alam kung ako'y nagkamali ba?
Hindi ko alam kung ako ba...
O sadyang may iba ka na.
Pero kung ano man iyon,
bitaw na.
Pakawalan mo na.
Dahil bahagi na lamang tayo ng nakaraang ibabaon ko na.
Mahal,
Paalam.
Maging masaya ka sana.© OhDandani
Follow me on Instagram! @ohellaella
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PoetryIsang pagtitipon ng mga obra - A compilation of my masterpiece. #23 April 3, 2017 #6 April 14, 2017