#20 Hindi Dahil

652 4 0
                                    

"HINDI DAHIL"

Hindi dahil bumili ako ng band-aid maghihilom na ang sugat ng nakaraan
O ng sugat na pagkalalim sa pusong iyong sinugatan
Hindi dahil nagbigay ka ng bulaklak kalilimutan ko na ang iyong mga kasalanan
Na parang ayos lang
Na parang hindi man lang ako nasaktan, o nasugatan
Hindi dahil nakasama mo ako sa mga saglit na 'yon
Kilala mo na ang totoong ako
Hindi ako mahina, natutulog ang demonyong nasa puso ko
Hindi dahil umalis ka ng isang saglit hahabulin kita na parang aso
Dahil hindi ako tulad niya
Na hahabul-habulin ka
Magpapakatanga para lang mapansin mo
Magustuhan mo
Dahil kung naaalala mo
Ikaw ang lumapit at hindi ako
Kaya anong karapatan mong saktan ako
At sabihing "Patawarin mo 'ko"
Ayoko!
Ayoko...
Hindi dahil hindi kita mahal
Hindi dahil mas bagay siya sa 'yo
Hindi dahil mas magaling siya kaysa sa 'kin
Kung 'di dahil, puno ng galit at poot ang puso ko
Na ikaw ang may likha!
Ikaw ang may gawa
Dahil sa kasakiman mo
Pero nang makita kita
Kasama siya
Ng ilang saglit
Ng isang segundo
Parang may gumuho sa mundo ko
Parausan mo lang ba talaga 'ko?
Pinupuntahan kung kailan kailangan?
Ginagamit kung kailan kailangan mo ng magpapasaya sa 'yo
Ng lolokohin mo
Bobola-bolahin mo
Bibilug-bilogin mo
Para makuha mo ang gusto mo?
Minahal mo ba talaga 'ko?
Ang mga tanong na hindi maalis-alis sa aking isip
At ang mga katagang "Magsisisi ang sinumang sumubok na saktan ka"
Dahil wala kang nagawa
Dahil wala ka nang kailangan kita
Wala ka nang sinisigaw ko ang pangalan mo
Wala ka nang sinisigaw kong tulungan mo 'ko
Wala ka nang ramdam ko ang bawat haplos nila sa balat ko
Wala ka sa bawat segundong binababoy ako
Wala ka sa bawat pagsigaw ko, pag-iyak ko
Wala ka sa bawat luhang tumulo

Wala ka

Wala ka

Wala ka...

Kaya anong karapatan mong manghingi ng tawad?
Hindi dahil nagpaumanhin ka
Kalilimutan ko na
Lalo na ang katagang "Magsisisi ang sinumang sumubok na saktan ka"
Dahil wala ka
Habang pinapanuod ko ang sarili kong lumubog sa mga kamay nila
Wala ka
Nang kinailangan kita
Hindi ako galit sa 'yo dahil trip ko
Hindi dahil nagpaumanhin ka,
Kalilimutan ko na...
Kaya 'wag kang tumitig sa mga mata ko at hanapin ang dating kilala mo
Ikaw ang gumising,
Sa demonyong natutulog,
Sa sulok ng puso ko.

✮ Inspired by When It All Ends of beeyotch

© OhDandani

Follow me on Instagram! @ohellaella

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon