#24 Pagpaparaya

1.2K 7 4
                                    

"PAGPAPARAYA"

Tinitingnan ang isang litrato
Isang kuha ng kanyang kaanyuan
Litrato ng dating tayo
At ngayon ikaw na lang
Teka, teka...
Naalala ko...
Wala nga palang "tayo" kahit sa "dati" na sinabi mo
Napipilitang ngumiti
Kahit ang puso ko ay puno ng hapdi
Pagpaparaya lang ang naging dahilan ng aking kabiguan
Kabiguang sumisira sa aking kalooban
Sa aking pagngiti may katumbas na hapdi
Mga sakit na tinatago at mga luhang 'di maibuhos
Na patuloy paring pumapatak sa mata ko
Ngunit 'wag kang magalala, pupunasan ko na lang ulit ito
Sa pag punas kong ito sana mawala na ang bigat ng damdamin
Mga kagagawan kong sinira ako
At mga salitang gusto nang kalimutan
Gusto ko sana magpaalam ngunit 'di ito magawa
Dahil hatak pa rin ako nito sa 'yo
Kahit may kasama ka pang iba
O kahit kasama mo siya
'Wag kang mag-alala o mangamba
Dahil hindi ako magseselos
Kasi wala pa akong karapatan
Ay hindi... mali... 'wala talaga akong karapatan
Ano nga ba ang karapatan ko?
Meron ba dapat akong ipaglaban?
Kailangan ko ba talagang lumaban sa isang gera na pwede mo namang sukuan?
Sana sa aking pagsuko malaman mo ang kahalagahan ko
At malaman mo rin ang gusto kong gawin para sayo
Gusto ko lang naman na sumaya ka
Na makitang nakangiti ka
Ayaw ko na makita na may tumulong luha sa 'yong mga mata
Kaya pagpaparaya ang naisip na dahilan
Para sa pagmamahalang hindi masulosyunan
At dahil sa pagpaparaya kong 'yon natanggal na 'ko ng karapatan
Lagi mo nga lang sanang tatandaan na "mahal kita at mamahalin parin kita"
Kahit nasa kanya ka na.

Written by  @VionoSdlik       

Ⓒ VionoSdlik

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon