#22 Nababago

584 3 0
                                    

"NABABAGO"
A POEM

Saan nga ba ako magsisimula
Sa mga labi mong kay pula?
O, sa mga malalambot mong kamay
Saan ako magsisimula?

Saan nga ba,
Sa mga mensahe mo kada umaga?
O, sa mga linyang iyong sinanay na
Tulad ng sabihan mo ako ng "Mahal kita"?

Magsisimula ako sa panahong naglolokohan tayo,
Sinimulan sa pabirong "Mahal ko!"
Dahan-dahang inangkin sa kamay niya—
Sa kamay ng inosenteng kaibigan ko.

Mahal kita, mahalaga ka ay magkaiba pala,
Akala ako iisa lang sila, mali pala
Kung 'di pa ako titingin sa iyong mga mata—
Ay! Mali, dahil ako'y nabulag na pala.

Nabubulag ako sa iyong matamis na ngiti,
Nabulag ako sa mapupula mong labi
Nabulag, bulag—nagbubulagan ang aking mga mata,
Dahil akala ko ang mahalaga ka ay mahal kita.

Takot ka bang maangkin ako ng iba
Kaya kahit ako'y nasasaktan na, pinapaasa mo pa?
Minahal mo ba talaga,
Ang puso kong gasgas dahil pinaglaruan mo na?

Ganito na lang ba?
Tapat kong sinabing "Mahal kita",
Pero ako'y ginagago mo lang pala?
Tangina, hindi ko na alam kung ano ang tama.

Kakapit pa ba ako?
Mali, kumakapit parin pala ako.
Magmamahal pa ba ako?
Hindi, kasi mahal parin pala kita.

Mahal kita, gago ka
Kahit ako'y iyong pinaglaruan na!
Mahal kita, gago ka
Kahit ako'y walang, walang wala na.

Magsisimula muli ako sa umpisa
Sa kung paano mo ako pinasaya
At sinabing "Mahalaga ka"
Ngunit ang gusto ko'y mahalin mo na.

Mahal na mahal kita,
Pero manhid na, ang pusong mahal ka—
Mali, manhid na ang pusong
minahal ka.

© OhDandani

Follow me on Instagram! @ohellaella

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon