#25 Kaibigan

1.8K 9 0
                                    

"KAIBIGAN"

Nag umpisa tayo sa simpleng biruan
Na nauwi sa laglagan
Mga damdaming 'di maiwasan
At mga salitang pinagtuparan
Sa simpleng pagbibiruan pala ay magkakagusto ako sa 'yo
'Di ko maiwasan... Ewan ko
Bakit kapag nakikita kita ay napapangiti ako
Sana nga lang 'wag mong gawing bala ng tirador ang nararamdaman ko sa 'yo
Sana 'wag mong hatakin papalapit sa 'yo upang bitawan mo lang
Dahil mahal ayoko kong makita na ang nararamdaman ko sa 'yo na nasa ere hindi alam kung
saan, kailan, at kanino mahuhulog
Kapag nangyari 'yon baka hindi ako makatulog
Sana ang balang ito ay hindi mo tinutok kung saan-saan lang
'Yung tipong ako ang iyong pinagpractisan
Sana ako yung balang binato mo sa isang tao
'Yung taong akala mo na bagay sa akin pero hindi medyo
Alam ko sa sarili ko na ikaw ang gusto ko
Sana sa susunod na pagising mo malaman mo ang tunay na nararamdaman at mga bagay na ginagawa ko para sa 'yo
Ang samahan natin ay sana hindi masayang
Sa isang pag amin na aking ibibitaw
Mahal kita... matagal na
Hindi ko lang masabi dahil natatakot ako
Baka sumugal ako ay masira ang pagkakaibigan na nabuo
Sana sa aking ginawang pagsugal ay walang masira
Pasensya ka na pala
Dahil ngayon ko lang 'to nasabi
Ako kasi ay medyo na to-torpe
Pagpasensyahan mo na ako sa aking ginawang pagsigaw ng mahal kita gamit ang bulong
Kaya ngayon nakukuha na 'ko ng bwelo
Isisigaw ko na ito
Ayoko ng ipagpabukas
Isisigaw ko na ito nang malakas
Mahal na mahal kita...
Sana mahalin mo rin ako

Pero 'wag mo 'kong mahalin dahil sa awa
Dahil hindi kita minahal para kaawaan ako
'Yung oo na sagot mo
Na hinihiling ko sa mga gabing dumaraan
Ay sana galing din sa iyong tunay na nararamdaman
Sana sa iyong pagsagot
Buo at tunay ang laman
Ng bawat bigkas na iyong salita
Sana... sana...
Hindi ka bumitaw dahil lang sa aking pag sigaw
Ito lang ang mga bagay na kaya kong gawin habang ako'y malapit pa sa 'yo
Ang mga salita ko ay totoo
Hindi ko ito nilalaro tulad ng ginawa niya sa 'yo
Hindi ka naman bingi upang 'di mo pakingan
Hindi ka naman bulag na hindi nakikita ang mga bagay na ginawa natin magkasama
Sana hindi ka tulad nila
Na sila na nakakakita na hindi alam kung kailan sila bulag
Sana 'wag mong tingnan ang gusto mo lang makita
'Wag mong pakinggan ang gusto mong marinig
Sana maging masaya ang kwento kasama mo
Dahil kagaya mo, ayoko na ring masaktan
Kaya umasa ako sa magiging tugon mo
Ang mga salita mo ay aking hinihintay
Nandito ako nakatayo sa harapan mo
Nakatitig sa mga mata mong gulat sa mga binigkas ko
Ang iyong mukhang 'di ko maiwasan tignan dahil sa naakit ako nito
Sa iyong pag sagot ako'y naghihintay
Inip sa pagbukas ng iyong labi
Ngunit kahit anong isagot mo ay handa ako
Handang maiwan at mawala sa paningin mo
At hindi ka makasama sa mga panahong dadaan sa buhay ko
Ang iyong pagsagot ay lubos kong ikinagulat dahil sabi na ako ay hanggang kaibigan lang
Pero ayos lang dahil kahit paano madadamayan kita
Mapaparamdam ko parin sa 'yo ang nararamdaman ko
Natalo man ako sa aking ginawang pagsugal ay ayos lang
Masaya na ako basta't ikakasaya mo
Sana pagkatapos ng sugal na 'to meron sanang panalo
Iuuwi ang premyo
At gagamitin bilang tropeyo
Ang bawat oras na sinugal ko ay sinulit
Ang bawat bigkas ko ay may damdamin
Ang salitang "kaibigan lang" ay isang paalam sa tiyansang tayong dalawa ay nasa altar na magkasamang nakaharap sa Diyos at nagsusumpaan

Written by @VionoSdlik    

Ⓒ VionoSdlik

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon