#17 Ang Tayo sa Maling Panahon

900 4 0
                                    

"ANG TAYO SA MALING PANAHON"

Both: Nagsimula tayo dahil sa simpleng ngiti

Girl: Sa loob ng silid habang nagbabasa ng aklat ay nakangisi
Napapansin ko kasi ang mga titig mo na ako rin ay napapangiti
Bwisit ka, nakakakilig

Boy: Nakita kasi kitang nagbabasa
Hindi ko sinasadyang tumitig sa iyong mga mata ngunit lumipad ang aking ulo at namalayan kong nakangiti ka na pala
Hindi ko tuloy maiwasang 'wag tumingin sa ibang direksyon at dahandahang napangiti rin

Girl: Nakakatuwa nga eh,
'Yang ngiting sa una'y wala namang ibig sabihin
'Yang ngiting sa una'y simple lang din
Walang pinapaalala tuwing nakikita
Walang mararamdaman tuwing nakikita

Boy: Pero ngayon,
'Yan ang ngiting nagpapasaya sa akin
Kumukumpleto ng araw ko
Nakakatuwang panuorin
Ang ngiting binabalikbalikan ko
'Yan na ang ngiting pinanghahawakan ko
Inaalala ko tuwing nalulungkot ako
Hinahanap ko tuwing naiiyak ako
'Yan ang ngiting hindi na maalis sa buhay ko na para bang nakatatak na ito at nakaukit sa puso ko

Girl: Pero 'yan din ang ngiting sumira sa akin
Ang nagpaalam sa atin—kahit ayoko pa
'Yan din ang ngiting masakit makita
'Di tulad ng dati, 'yan ang ngiting iniiwasan ko na

Both: Saan ba kasi tayo nagkulang at nauwi tayo sa ganito?

Boy: Minahal naman kita
Siguro lubos pa sa iyong inakala dahil kung tatanungin ang nararadaman ko'y sobra pa sa sobra
Kung sa tutuusin, ikaw lang naman talaga

Girl: Bakit 'di ka gumawa ng paraan?
Bakit 'di ka gumawa ng paraan para iligtas ang bangkang hindi makadaan, sa gitna ng karagatan

Boy: Ng hindi kalmadong karagatan

Girl:Kalmado!

Boy: Hindi kalmado!
Kaya nga nasira tayo!
Kasi hindi natin nagawang isalba ang sarili natin, ang bangka pa kayang nalunod dahil lang din sa atin?

Girl: Pero nangako ka!
Nangako kang dito ka lang sa tabi ko
Nangako kang diyan lang ako sa puso mo
Bakit may nakapasok na iba?
Bakit bigla kang naglaho na para bang bula?

Both: Saan ba kasi tayo nagkulang at nauwi tayo sa ganito?

Boy: Siguro kasalanan ko
Hindi ako naglaan ng sapat na oras para sayo
Hindi ko naisip na kailangan mo rin ako
Hindi ko naisip na kailangan mo rin ng maggagabay sayo
Hindi ko inintindi ang pagiyak mo
Hindi ko pinansin ang paglayo mo

Girl: Pero siguro kasalanan ko
Masyado kong inisip ang mga kailangan ko
Nakalimutan ko yata na may ikaw at ako at hindi puro lang ako
Nawala sa isip kong kailangan mo rin ng oras para sa sarili mo

Both: Sorry, nakalimutan ko

Girl: Nakalimutan kong sumaya rin ako

Boy: Sa mga panahong magkasama tayo

Girl: Kahit panandalian lang kahit saglit lang

Boy: Nakalimutan kong sumaya ako

Girl: Kasama ka, dito sa tabi ko,

Both: Sumaya ako

Boy: Kaya salamat sa tayo,
Sa mga panahong sumaya ako
Pero siguro, kaya hindi tayo nagtagal,

Girl: Hindi dahil sa bangkang nilalamon ng karagatan
Dahil tama ka,

Boy: Sapat naman talaga, ang pagmamahalan natin para sa isa't isa

Both: Pero may tayo lang talaga, sa maling oras, maling araw, sa maling panahon

© OhDandani

Follow me on Instagram! @ohellaella

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon