#4 Mahika

1.7K 10 0
                                    

"MAHIKA"

Meron akong alam na isang mahika.
Alam mo ba yung abracadabra?
Mag bibilang ka ng isa, dalawa.
Pero palitan natin ng bahagya,
mag bilang ka ng pababa.
Tatlo,
dalawa,
isa!

Buksan mo ang iyong mga mata,
para kang nasa pantasya.
Na akala mo masaya.
Na akala mo perpekto at hindi kahina-hinala pero pag ito'y iyong nakita sa mas maayos at malinaw na pananaw,
iyong makikita na ang masayang pantasya na akala mo'y totoo ay hindi naman pala.
Dahil pagkarating mo sa dulo, makikita mo na puro kalokohan lang pala.
Pero sa paglikha ng mahika,
Ika'y napapaniwala at mapapaniwala na totoo ang nakikita,
ang nadarama.
Pero hindi pala?
Sa paglaro ng mahika,
Ika'y magpapakatanga,
kasi akala mo ang iyong nadarama ay totoo pero sa una lang pala!
'Yung ngiti,
tawanan at saya,
na nasa una sa pinapanuod mong pagtatanghal ay biglang mawawala kasi paulit-ulit na.
Paulit-ulit na lamang ang kanyang ginagawa,
pero ang nakakatawa ay siya pa ang nagsawa!
At ikaw!
Ikaw na nanunuod,
ikaw na nakadarama ng lahat ng kanyang pinapakita ang nagdurusa!
Ipadarama ko sa iyo ang mahika.
Mahika ng hinaharap na kung saan hindi mo pa nakikita.
Mahika ng kasalukuyan na puno ng pighati at lungkot sa likod ng bawat ngiti at tawa.
At ang mahika ng nakaraan,
na sinubukan kong ibaon sa lupa dahil iyon ay ang lumang pagkatao na kulang-kulang...
Sirang-sira...
Kaya samahan mo muli ako sa aking nakaraan,
panuorin mo kung paano ako nagdusa.
Kinakausap ang sarili na parang sira.
Naalala mo pa ba?
Ang babaeng nasa ulan at hinihintay ka.
Hinihintay kang sagutin ang tawag niya.
Sa ilalim ng mahika,
ng mahiwagang mahika,
ng punong mahiwaga kung saan mo siya binigyan ng singsing at pinangakuan ng mga salitang hindi mo kayang panindigan.

Isara mo ang iyong mga mata,
aking ipadarama at ipapaalala ang sakit ng nakaraan,
ang pighati ng nakaraan.
Ang mahika ng nakaraan.
Ang mahika na siyang tinawag na pagmamahalan.

© OhDandani

Follow me on Instagram! @ohellaella

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon