"BALANG ARAW"
Balang araw titingnan kita sa mata pero wala na 'kong sama ng loob at ngingitian lang kita.
Balang araw uuwi ako ng at hindi na ako masasaktan tuwing makikita ko ang iniwan mong gitara na hindi ko matapon tapon dahil ito ang lagi mong ginagamit upang lumikha ng musika.
Balang araw makakatulog din ako ng mahimbing sa gabi at hindi na kita maaalala.
Balang araw titingin ako sa langit at hindi na ikaw ang makikita tulad ng pagtingin ko sa aplaya na inalon ang lahat ng masasakit na alaala.
Balang araw maririnig ko muli ang iyong pangalan pero hindi na ikaw ang makikita.
Balang araw kahit gaano pa kasakit ang naging nakaraan makakalimutan din kita.
Balang araw kahit gaano pa kapait ang nakaraan hindi ko na ito maaalala.
Balang araw sa tuwing makikita kita, puro masasayang alaala lamang ang aking maaalala.
Balang araw mapapagod na rin akong umiyak para sa 'yo at maiisip ko na ako naman, ako naman ang uunahin ko, ako naman ang mamahalin ko.
Balang araw magagawa ko na ring burahin ang lahat ng litrato mo.
Balang araw may titingin sa akin sa paraang pagtingin ko sa 'yo.
Balang araw may magmamahal sa akin ng walang katumbas tulad ng pagmamahal ko sa 'yo.
Balang araw magiging masaya rin ako, balang araw magiging maayos din ako.
Balang araw kaya ko na ring huminga ng maluwag tulad mo,
Balang araw makakatawa na rin ako.
Balang araw gagaling muli ang wasak kong puso.
At balang araw hindi na kita susulyapan, o ang mga litrato mo'y hindi na tititigan.
At balang araw, hindi na kita susulatan.
Pero ngayon,
Sa mga panahong ito...
Ika'y aking inaasam
litrato mo'y aking tititigan.
Kada gabi kitang iiyakan,
Tuwing makakusap kita uuwi ako ng luhaan.
Tuwing makikita ko gitara na lagi mong ginagamit ako'y masasaktan.
Dahil ngayon,
Hindi ko pa kayang ngumiti at maging masaya.
Hindi ko pa kayang makipagsabayan sa mundo at tumawa.
Hindi ko pa kayang marinig ang iyong pangalan ng hindi iiyak.
Hindi pa kita kayang makita ng hindi masasaktan.
Pero balang araw...
Hindi nga lang ngayon.
Pero balang araw makikita mo...
Ngunit ngayon,
Sa mga oras na ito...
Ika'y aking iiyakan.© OhDandani
Follow me on Instagram! @ohellaella
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PoetryIsang pagtitipon ng mga obra - A compilation of my masterpiece. #23 April 3, 2017 #6 April 14, 2017