"LUNGKOT"
Ang hirap mapabilang sa isang relasyon na puro lungkot.
Lahat naman ng paraang mapasaya ka, ginawa ko.
Ngunit, di pa sapat yun para sayo.
Alam kong tao ka rin lang naman at di yan maiiwasan.
Pero ako ang nasasaktan kasi ang hirap mong tingnan.
Ginawa ko nga lahat pero ganyan ka pa rin.
Sobrang lungkot mo padin. Minsan naisip ko, baka ako yung problema?
Bakit hindi kita napapasaya?
Baka hindi mo ako ganun ka-mahal para maging masaya sa lahat ng aking ginawa.
Nakakalungkot isipin na wala akong magawa.
Gawa ng kalungkutan ng mahal ko, nahawa na rin ako.
Paano na tayo ngayon?
Pwede bang magpakasaya muna tayo?
Dalawa tayong andito pero bakit para mag-isa lang ako?
Mag-isang kumikilos para maisalba ang relasyong ito.
Oo, sinabi mo ngang mahal mo ako,
Pero paano lalakas ang relasyon natin kung puro kalungkutan ang pinapakita mo?
Nakakasakit din isipin na minsa'y ako pa ang rason ng kalungkutan mo.
Siguro sobrang palpak ko na talagang tao.
Hindi na nga kita napapasaya,
Binibigyan pa kita ng rason para mawalan ng gana.
Ayos lang naman kung pagod ka na.
Di ko rin naman yan mapipigilan.
Masakit man, tatanggapin ko nalang.
Kasi lahat naman ay nawawalan ng pagasa sa isang tao.
Kahit pa yun ay mahal mo.
Sana habang tayo pa, maayos na natin ang problemang ito.
Kasi pagod na rin ako.
Pero ayokong bumitaw kasi diba nangako tayona walang susuko?
Na kahit anong mangyari, sabay nating lalampasan lahat ng ito?
Sobrang dami kong gustong sabihin pero di ko maamin.
Kasi mas pipiliin kong itago lahat ng lungkot ko
Para lang maibsan kahit papaano ang nararamdaman mo.
Ayokong magalit pero nakakairita.
Nakakairita sa tuwing sinusubukan kong sumaya,
Lungkot ang iyong ipinapadama.
Kaya naman natin to eh.
Tumulong ka lang.
Kasi ang hirap gumalaw ng magisa.
Paano ko mapapasaya ang taong malungkot kung pati sarili ko ay punong puno ng lungkot?Written by an anonymous person
Ⓒ To the rightful owner
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PoetryIsang pagtitipon ng mga obra - A compilation of my masterpiece. #23 April 3, 2017 #6 April 14, 2017