#14 Mahal Mo o Mahal Ka?

1.1K 6 0
                                    

"MAHAL MO O MAHAL KA?"

Sabi nila, kung magmamahal ka, nagmamahal o nagmahal,
Ibibigay mo ang lahat para sa kanya.
Lahat ng pagaari mo, lahat ng mayroon ka.
Sabi nila, kung tunay na nagmamahal ka,
Nais mong ibigay ang lahat, kahit ang buwan o ang mga tala.
Kung nagmamahal ka ng tunay, ng totoo,
Ibibigay mo ang pagmamahal mo nang buong buo.
Dahil hindi naman sa kung gaano ka niya kamahal,
Kundi kung gaano mo siya kamahal.
Hindi naman tungkol sa pagtanggap, kundi ang pagbigay.
Hindi naman tungkol sa taya, kundi sa pagsugal.
Dahil sabi nila,
Kung nagmamahal ka,
Kaya mong salubungin ang tren,
Ang buwan ay liliparin,
Tala aabutin,
Para sa taong iyong mahal at patuloy na mamahalin.
Sa isip mananatili at sa puso kukupkupin.
Kung pipiliin mo ang "mahal ka" dahil sa takot mong masaktan,
Bagsakan ng buwan,
Ng parehong buwan na inyong pinangakuan ng habambuhay,
Ng parehong buwan na ngayon sa mata mo'y wala nang buhay.
Bakit ka mananakit ng iba para lang masagip ka?
Kahit hindi mo naman kayang bayaran ng pagmamahal na katumbas sa pusong kanyang itinaya.
Bakit ka magmamahal ng takot,
Kung ang kaakibat ng saya ay lungkot,
Ginhawa ay poot?
"Mahal mo" dahil siya ang pinili mo.
Siya ang gusto mo, ang mahal mo.
Hindi para sagipin ang sarili mo,
Kahit may nalulunod nang iba dahil sa 'yo.

© OhDandani

Follow me on Instagram! @ohellaella

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon