#16 Ang Sakit Mong Mahalin

1.4K 5 1
                                    

"ANG SAKIT MONG MAHALIN"

Nang maging tayo, wala na akong hiniling sa mundo dahil pakiramdam ko, nasa akin na ang lahat ng kailangan ko
Nang maging akin ka, wala na akong pinangarap pa, dahil alam kong nasa 'yo na ang lahat na mapapatanong na lang ako kung ako'y may hihilingin pa
Nang mawala ka, nang mawala ang tayo, wala akong naging kakampi sa mundo
Walang nag-alok ng panyo o nagtanong kung ayos lang ba ako
Parang lahat ay nasa pabor mo, na parang ikaw lang ang nagmahal at ikaw lang din ang nasaktan
At nang makahanap ka ng iba, parang nagbubulagbulagan sila at talagang ipinapamukha na ako ang may sala kung bakit ako nasasaktan
Na parang pinaparating na ''wag kang maginarte dahil ginusto mo yan!'
Pero wala na ba akong karapatan na masaktan?
Oo, wala na ang tayo
Oo, tinapos ko ang tayo
Pero ikaw lang ba talaga ang nagmahal at ang nasaktan?
Kasi kung oo bakit pakiramdam ko parang nilalamon ng dibdib ko ang puso ko?
Na parang hindi ako makahinga tuwing ika'y nakikita na kasama siya!
Sana nga ikaw lang ang nagmahal, para ikaw lang din ang nasasaktan
Para sana hindi na ako umiyak sa gabi
Pinipilit na kalimutan ang sakit at hapdi
Pinipilit na kalimutan ang tayo
Sinasampal sa sarili na tapos na, ang tayo
Na nasa nakaraan na ang ikaw at ako
Oo, wala na ang tayo
Oo, tinapos ko ang tayo
Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit nagtapos ang tayo
Pero nang makahanap ka ng iba,
Natanggalan na ba talaga ako ng karapatang masaktan?
Wala na ba talaga akong karapatan na masaktan?
Dahil ikaw lang ba talaga ang nagmahal, at ikaw lang ba talaga ang nasasaktan?
Sana nga ikaw lang ang nagmahal, para ikaw lang din ang nasasaktan
Para sana hindi na ako umiyak sa gabi
Tinatanong ang sarili kung ayos ka lang ba?
Kung ako'y iniyakan mo rin ba?
Pinagsisisihan mo rin ba ang pagkasira nating dalawa?
Na iniyakan mo rin ba ang tayo?
Ang tayo na oo, sinayang ko pero pinagsisisihan ko
Kahit ako lang ang may kasalanan, nakakaramdam din naman ako ng sakit
At kahit anong gawin ko hindi ito mawawala kahit ilang pikit!
Pikit ng mata, puso'y isara, lahat lahat na!
Akala ko, masakit na, pero may mas isasakit pa pala
Nang makahanap ka ng iba
Akala ko masakit na pero pwede pa pala akong mas masaktan
Nang may ibang kamay ka nang hinahawakan,
Ibang noo ang hinahalikan
Ibang matang tinitingnan
Kasi kung ikaw lang ang nasasaktan
Bakit ang bilis para sa 'yo ang makahanap ng iba?
Bakit ang bilis para sa 'yo ang magmahal ng iba?
Samantalang ako, nandirito pa rin at unti unting nilalamon ng tayo na sa aking ulo na lamang tumitira
Akala mo ba ako lang ang masakit mahalin?
Mas masakit kang mahalin
Ang sakit mong mahalin.

© OhDandani

Follow me on Instagram! @ohellaella

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon