"MALING TAO ANG NASAKTAN KO"
Naalala ko pa 'yung gabing umiyak ka
Ang mga mata mong puno ng luha
Boses mong nagmamakaawa,
"Please, stay. 'Wag mo 'kong iwan, nangako ka."
Pasensya,
Oo nangako ako,
Pero pasensya dahil hindi ko matutupad ang mga pangako ko
Pangako kong mananatili ako sa tabi mo
Pangako kong ikaw lang dito sa isip ko
Pangako kong hindi ka ipagpapalit
Pasendya,
Dahil mukha yatang hindi ko matutupad ang mga pangako ko
Pinangako kong mananatili ako sa tabi mo, pero umalis ako
Pinangako kong ikaw lang dito sa isip ko, pero iba ang nasa puso ko
Pinangako kong hindi ka ipagpapalit, pero pasensya kasi siya pa rin, siya pa rin talaga ang laman ng puso ko
Minahal kita, pero dahil siya ang nakikita ko sa 'yo
Ngayon, napagtanto ko kung bakit ko pinilit ang tayo
Pinilit ko ang tayo dahil hinahanap ko ang bawat haplos niya
Pinilit ko ang tayo dahil hinahanap ko ang bawat yakap niya
Pinilit ko ang tayo dahil inaasam ko ang bawat titig niya, ang bawat ngiti at tawa
Pinilit ko ang tayo dahil gusto ko muling maging masaya
Pinilit ko ang tayo dahil gusto kong may nagmamalasakit sa akin, may nagmamahal sa akin
Pinilit ko ang tayo dahil ayaw ko ang nararamdaman kong sakit sa puso ko
Pinilit ko ang tayo dahil ayaw ko pang bumitaw sa kanya
Pinilit ko ang tayo dahil pagod na 'kong umiyak sa parehong dahilan: siya
Pinilit ko ang tayo, habang iniisip na pwede ka namang maging siya
Pasensya, dahil ginamit kita para makawala sa sirang kami na pinilit kong tayo
Pasensya, dahil pinilit kong ipasok ka sa mundo ko, kahit ang mundo ko sa kanya pa rin pumapalibot
Pasensya, dahil sa mga pangakong napako
Pasensya, dahil sa poot ma dinala ko
Pasensya, dahil minahal mo ako ng lubos at hindi ko masuklian ito
Pasensya, dahil ginawa kitang siya na hindi dapat dahil unang una ay hindi ito tama
Pasensya, pinaasa kita
Pasensya, ginawa kitang tanga
Pasensya, dahil kahit alam kong hindi pa pwede, pinilit ko pa rin
Pasensya, dahil hanggang dito na lang ako, tayo
Patawad, dahil ito lang ang nasasabi ko
Naalala ko pa rin 'yung gabing iniwan kita sa parehong puno kung saan tayo nagkakilala
Sa parehong puno kung saan mo inalok ang iyong panyo
Pero pasensya, dahil maling tao ang nasaktan ko© OhDandani
Follow me on Instagram! @ohellaella
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PoetryIsang pagtitipon ng mga obra - A compilation of my masterpiece. #23 April 3, 2017 #6 April 14, 2017