#7 Bagay

1.4K 14 1
                                    

"BAGAY"

Ako yung hindi chinita.
Ako yung hindi ganoon kaganda.
Ako yung taong hindi simple tulad niya.
Ako yung taong minsang pinangarap na maging siya.
Ako yung basahan kapag itinabi sa kanya.
Ako yung taong sa layo ka lang nakikita
Ako yung taong minsang hinintay ka, pero,
Ako rin yung taong hindi mo kilala dahil ang mundo mo'y umiikot sa kanya.

Pero gusto kong maging telepono mo na lagi mong kinakausap, tinitingnan.
Gusto kong maging relos mo na lagi mong sinusulyapan.
Gusto kong maging tula na tatatak sa iyong isipan.
Gusto kong maging aplaya na kukunan mo ng larawan.
Gusto kong maging litrato na lagi mong tinititigan.
Gusto kong maging lapis na lagi mong hinahawakan.
Gusto kong maging bata na hindi mo bibitawan.
Gusto kong maging talaarawan mo na araw-araw mong sinasabihan ng mga masasaya at malulungkot mong karanasan.
Gusto kong maging salamin mo sa mata na ayaw mong kalimutan.
Gusto kong maging sing sing na ayaw mong tanggalin,
at gusto kong maging kwintas na hindi mo wawalain.

Pero hindi ako pagkain na kapag busog ka na pagsasawaan mo.
Hindi ako braces na matapos kitang buuin at ayusin ang buhay mo ay tatanggalin mo.
Hindi ako buto na matapos mong lawayan itatapon mo.
Hindi ako salamin na kailangan mo lang kapag kailangan mo ng mga salitang magpapsaya sa 'yo.
Hindi ako kumot na gagamitin mo lang sa panahong nanlalamig ka sa kanya.
At lalong hindi ako manhid para maging tanga.

© OhDandani

Follow me on Instagram! @ohellaella

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon