#23 Tatak Ng Bataan

939 5 0
                                    

"TATAK NG BATAAN"

Ni minsan sa buhay ko hindi ako nagkamali sa mga desisyon ko
Laging bilang ang bawat galaw, hakbang, plano, hindi, at oo
Pati ang pagsagot sa 'yo planado
Kung hanggang kailan ka maghihintay
Hanggang saan aabutin ang iyong kamay
Pataas, pababa o diyan lamang sa iyong tabi
Dahil ayaw kong magkamali
Pero 'di ko inakala na isa ka palang katangi-tangi
Sa Ingles extraordinary
It amazes me how you drive me crazy
Crazy, oo baliw, dahil sa 'yo lang nabaliw ang pusong 'to
Masaya, oo masaya tayo
'Yan ang pinaniwala mo
Perpektong relasyon, oo 'yan ang meron tayo
'Yan ang pinaniwalaan ko
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ipinagpipilitan mong tanggalin ang damit ko
Binobola na masaya naman ang gagawin mo
Kung sa una pa lang sabi mo masaya naman tayo
Tapos bigla mong binago
Ako lang ang masaya at nagsasawa ka na!
Na ito lang ang hinihiling mo pero ipinagkakait ko pa
Doon ako nabigla
Doon ko napagtanto
Kung ano ang tunay mong pakay sa relasyong ito
Hinihiling pa rin na sana mali ako!
Kasi hindi naman natin kailangang maghubad para ang mga pangako mo'y hindi masira
Hindi naman natin kailangang maghubad para masabi ang mga salitang mahal kita
Hindi natin kailangang maghubad para sumaya,
Hindi ko naman kailangang maghubad para maging maganda sa iyong mga mata, 'di ba?
Hindi ko naman kailangang maghubad para lang mapansin mo, 'di ba?
Hindi ko naman kailangang maghubad at pag pyestahan ng iyong mga mata para lang manatili ka
At 'wag sirain ang relasyong nakabase lang pala
Sa pagsiping nang walang malisya
Dahil alam ko, oo, alam ko
Na pagkatapos ng lahat ng ito
Ng bawat ungol sa kwarto
Bigla ka na lang aalis sa tabi ko
Walang iiwanan kung 'di sirang puso
At ang kama na tinatakan ng aking dugo

Ngayon... napaisip ako
Ukol sa mga salitang sinabi mo
Naghubad nga ba talaga tayo para sumaya?
O para sumaya... ka?

© OhDandani

Follow me on Instagram! @ohellaella

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon