#12 Starbucks

718 4 0
                                    

"STARBUCKS"

Sa Starbucks, kung saan pwede mong palitan ang iyong pangalan.
Magpanggap na si Iron Man o model ng Calvin Klein.
Sa Starbucks kung saan pwede kang magsosyalsosyalan.
Sa Starbucks kung saan maraming mga babaeng nage-English kahit mali mali ang grammar
Sa Starbucks na pwedeng pumasok pero magpapalamig lamang.
Sa Starbucks kung saan pwedeng pumasok pero makiki-wifi lang.
Sa Starbucks, ang pambansang meeting place ng Pilipinas.
Kung saan ang mga tao'y nakatitig sa kanilang mga telepono pero sa 'yo nakatitig ang mga mata ko.
Sa Starbucks kung saan libo libong tao ang pumupunta rito,
napansin ko pa rin ang ngiti mo.
Parang stalker lang 'no.
Sa Starbucks, kung saan nagpapakilala ang mga taong 'di magkakilala.
Sa Starbucks, kung saan ko nakita ang mahaba mong buhok na kulay pula,
Ang iyong suot na mahabang palda na pantalon pala,
Na tinernohan mo ng simpleng blusa at kulay puting Fila.
Gusto kitang lapitan, tanungin ang iyong pangalan at kung pwede ba kitang tawagan?
Kanina pa 'ko dito eh.
Nagiisip kung dapat ba kitang lapitan?
O pabayaan na lamang? 'Yung pilang kanina hanggang pinto ngayon ay biglang naglaho.
'Yung mga nakaupong naglalampungan na punyeta ay nagsialisan na.
Kanina pa 'ko dito eh.
Nagiisip kung dapat ba kitang lapitan?
O pabayaan na lamang.
'Yung naglabas pasok na ang mga tao pero nandirito pa rin ako.
'Yung nangamba pa ako nang may lalaking lumapit sa 'yo.
Kanina pa 'ko dito eh.
Nagiisip kung dapat ba kitang lapitan?
O pabayaan na lamang.
'Di bale, lilipas din naman ang nararamdaman.
Pero bakit gano'n?
Ilang araw at buwan nang nakalipas,
Pero sa isipan 'di ka man lang lumabas.
Ilang gabing nanaginip na ika'y aking nilapitan at tinanong ang iyong pangalan.
Ilang beses na hiniling na sana malakas ang loob ko, kahit kunyari lang.
Ilang beses inisip na sana nilapitan kita.
Nakipila nung nakapila ka tulad ng mga lalaking tumayo at sa likod mo pa.
Sana tinanong ko ang pangalan mo tulad ng lalaking lumapit sa 'yo o ng baristang tinanong ang pangalan mo at naisulat niya pa ito.
Sana nakinig ako nung sinigaw 'yung pangalan mo habang pinapanuod kitang tumayo at kinuha ang order mo.
Sana nilapitan kita at tinanong ang number mo.
Eh 'di sana ngayon text mate tayo.
Sana binilhan pa kita ng panibagong kape.
Sana nakipagkwentuhan sa iyong tabi.
Sana 'di natakot na mapaso ng mainit na kape.
Sana 'di naging duwag, sana kahit papaano, nagtapangtapangan.
Sa Starbucks, kung saan bumalik ako, inipon ang natitirang lakas ng damdamin ko para lang tanungin ang pangalan mo.
Pero sa Starbucks, kung saan bumalik ako pero iba na ang kasama mo.

© OhDandani

Follow me on Instagram! @ohellaella

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon