Alice POV
"Next is talent!" Sabi ko. Nagprapractice kami ngayon para sa pageant. Ano nga bang ipeperform namin?!
"We'll sing" komento niya.
"Good idea!" Sabi ko at napangiti.
-
"Nakakapagod!" Sabi ko at napasalampak. Umupo din siya sa tabi ko and tahimik na uminom.
"Okay ka lang ba?'' Tanong ko at sinipat yung noo niya. Nanlaki yung mata ko
"May lagnat ka!" Sabi ko at nataranta. Napatayo ako pero nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko
"Stay with me" sabi niya
"Hindi pwede kukuha ako ng gamot!" Nagpapanic na sabi ko mas hinigpitan niya yung kapit sa kamay ko.
"Stay please?" Sabi niya. I have no choice kaya umupo ako sa tabi niya. Nandito kami ngayon sa bahay. Naramdaman kong ipinilig niya yung ulo niya sa balikat ko. Sinilip ko siya nakapikit siya.
"Walter" tawag ko pero walang sumagot. Hinawakan ko yung buhok niya. Sobrang soft at mabango. Hindi ko namalayan na napangiti na din ako dahil sa kanya.
"Alice" bulong niya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit niya tinatawag yung pangalan ko?! Is he dreaming? Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Nagulat ako ng bigla siyang nagbukas ng mata.
"Done checking me out?" Tanong niya sabay smirk. And I know i'm already blushing! D*mn! Nakakahiya!
"Feeling nito!" Sabi ko at inirapan siya.
"Tss..." Sabi niya at pumikit ulit. Hinayaan ko siya hanggang sa makatulog na din ako.
-
Napamulat ako at napatingin sa paligid. Ako na ang nakasandal kay Walter pero may sakit siya ah! Napatingin ako sakanya. Nakapikit siya. Hindi ba siya nangangwit? Umayos ako ng upo at inihiga siya sa lap ko. Hinawakan ko yung noo niya. May sinat siya. Pinagmasdan ko siya. I never imagine that he's a Mafia Prince by his looks but the way he act towards everyone... He's scary! Nagulat ako ng nagmulat siya.
"Ok ka na?" Taranta kong tanong. He smirk at me! Bumangon siya at umayos ng upo.
"Thanks" sabi niya
"Sure ka? May sinat ka pa eh!" Sabi ko. He chuckled kaya binatukan ko siya
"What the f-ck is that!" Inis niyang sabi at hinimas yung batok niya. Inirapan ko siya
"Nag-aalala ako tapos tatawanan mo lang ako... Bahala ka nga diyan!" Sabi ko at tumayo. Pero nagulat ko sa susunod kong narinig.
*Bang*
Slow motion ang nangyari sa paligid ko. Napadapa ako sa floor at tinakpan yung magkabilang tenga ko at pumikit ng mariin. Ayoko! Ayoko na! Natatakot ako!
"Alice" nagulat ako sa tumawag saakin at itinayo ako. Nanghina yung tuhod ko sa nangyayari ngayon.
"F-ck! Stand up Alice" naramdaman kong binuhat niya ako at patakbo kaming lumabas sa silid. Nakapikit pa rin ako. Patuloy lang ang pagputok ng baril. Nagtago kami sa likod ng cabinet. Napamulat ako. He's holding a gun and anytime ipuputok niya yan.
"D-mn! Mafia Reapers!" Inis niyang sigaw
"Walter" sabi ko at napasuksok sa dulo. Isinuot niya saakin yung leather jacket niya na Black.
"Don't move stay here" sabi niya at umalis. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Baka may masamang mangyari sakanya!
*Bang*
Nakarinig muli ako ng putok ng baril. Napaiyak ako. Walter! Come back! I'm scared! I need you!
BINABASA MO ANG
She's Dating the Mafia Prince (COMPLETED)
Teen FictionIt is really official that i'm dating the Mafia Prince?! Everyone says that a Mafia Prince is brave, mysterious, and they are not scared to death. Yes that's true, but did you see a Mafia Prince that could not fight for his own love? - Hey guy's do...