Alice POV
Nandito ako ngayon sa school. Nakaupo ako habang yung mga body guards ko ay nandoon sa labas. Biglang dumating si Yuri habang nakangiti. Lumapit siya saakin sabay sabing:
"Ready?" Sabay tawa niya.
"Tawa pa.. Samantalang ako dito kinakabahan" sabi ko at napaupo ng maayos sa upuan
"Chill b-tch! Tsaka kelan ka pa kinabahan?" Nang-aasar niyang sabi.
"Tse!" Sabi ko sakanya.
"Don't worry makikita mo din siya, ako ang bahala sayo" sabi niya sabay kindat saakin. Natapos yung class namin ay tumayo siya sabay hila saakin. Agad namang napasunod yung mga body guards pero pinigilan sila ni Yuri.
"Stay here nandito si Tita kaya pupunta kami doon, ang utos ni Tita ay huwag kayong susunod sakanya" sabi ni Yuri. Napatango naman yung mga body guards ko. Naglakad kami palayo. Pasimpleng binigay saakin ni Yuri ang susi.
"Take my car" sabi niya. Napangiti ako
"Ang dali mo naman silang nauto" natatawa kong sabi
"Ako pa" pagmamalaki niya. Nandito kami ngayon sa parking lot.
"Run" sabi saakin ni Yuri kaya napatakbo ako ng mabilis. Pagkapasok ko sa kotse niya ay agad akong nagdrive ng mabilis. Nandiyan na ako Walter, magkikita pa tayo.
-
Nang makarating ako sa mansiyon niya ay agad akong bumaba at nag-doorbell. Nagulat ako ng biglang nagbukas ito. Poker face siyang nakatingin saakin. Napatingin ako sa paligid at tumakbo papasok sa bahay niya. Sinarado ko yung gate at napasandal. Napatingin ako sakanya na nakatingin saakin.
"Hey miss me?" Tanong ko
"You shouldn't be here Alice" sabi niya
"But I miss you" pabulong kong sabi
"Bumalik ka na" sabi niya sabay tulak saakin.
"Ano ba!" Inis kong sabi.
Hindi niya ba naapreciate yung ginawa ko? Pinigilan ko yung luha ko. Napahinto naman siya sa pagtulak saakin. Napayuko ako at kusang tumulo yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"May sasabihin lang naman akong importante" sabi ko
"Then tell now woman" seryoso niyang sabi. Bigla akong nahiya. Ang hirap sabihin!
"Ano kasi-"napahinto ako sa pagsabi. Nakakunot yung noo niya
"What?!" Sabi niya
"Ano--"
"Kung hindi mo sasabihin, get out your wasting my time" bigla akong nainis sa sinabi niya. Ineffortan na nga siya, gaganyan pa siya! Pinalo ko siya sa dibdib niya at napaiyak. Pinalo-palo ko siya.
''Ang daya mo bigla ka na lang nawawala! Hindi kita makontact, hindi kita matexan! Nakakainis ka naman Walter! Hindi mo man lang ba naapreciate yung ginawa ko?!" Pagalit kong sabi. Napatigil naman siya at hindi nanlaban
"Noong nawala ka! Bakit ganoon? Doon ko lang narealized na mahal kita! Walter! I love you" and I finally say it! Napatitig siya saakin.
"Ano hindi ka ba sasagot?!" Inis kong sabi at tinalikuran siya "Maybe isa akong waste of time para sayo! Finally nasabi ko na ang gusto kong sabihin, mauna na ako" sabi ko at naglakad pero may humila sa kamay ko at hinarap sakanya. Nagulat ako ng halikan niya ako. D-mn! A-anong ibig sabihin nito? Napabitiw siya at tinignan ako.
"I'm waiting for you to say it, I love you too" nanlaki yung mata ko sa naging sagot niya. Panaginip ba to? Napaluha ako
"Paano?" Tanong ko
"First time I see you, you got me, the way you talk back to me, the way you rolled your eyes to me, you finally got my attention back then. When we start dating unti-unting akong nahulog sayo, hanggang sa tumagal na at lumalim yung pagmamahal ko sayo, Glad to hear those I love you from you"
-
Author's Note:
Updated💓
BINABASA MO ANG
She's Dating the Mafia Prince (COMPLETED)
JugendliteraturIt is really official that i'm dating the Mafia Prince?! Everyone says that a Mafia Prince is brave, mysterious, and they are not scared to death. Yes that's true, but did you see a Mafia Prince that could not fight for his own love? - Hey guy's do...