Alice POV
"Walter!" Sigaw ko pero agad siyang pumasok sa kotse niya at pinaharurot ito. Hinabol ko yung kotse niya. Aish! Nakalimutan kong mabilis pala siya magpatakbo. Nagulat ako ng may malaking bato akong natapakan kaya natalisod ako.
"Awwwww!" Sigaw ko ng makaramdam ako ng sakit. Nakaupo ako ngayon sa gitna ng kalsada. "Aish!"
Hinawakan ko yung ankle ko pero sa sobrang sakit ay napapikit ako. Ang malas ko nga naman! Nakakainis! WALTER NAMAN KASIIIII EHHHH! Napamulat ako at agad nasilaw sa ilaw ng kotse. Sino ba to?
Narinig kong bumukas yung pintuan non at may bumabang isang pigurang lalaki. Who could it be?
Napapikit ako dahil nasilaw ako ng sobra. Naramdaman kong may bumuhat saakin kaya napakapit ako sakanya at napatingin sa mukha niya. Nagulat ako ng makita kung sino ito.
"Walter" sabi ko
"Shut up" inis niyang sabi habang patuloy na naglalakad.
"Are you mad?" Pangungulit ko. Hindi siya sumagot. Binaba niya ako sa side ng kalsada at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya yung ankle ko kaya napapikit ako sa sakit.
"You woman! Bakit mo ako sinundan? Don't be stupid" sabi niya. Nasaktan ako sa huling sinabi niya. Naluha ako. Eh sa namimiss ko siya. Bakit kasi bigla na lang siyang sumakay na hindi man lang kumaway o ngumiti. Napapikit na lang ako. Ayokong maging iyakin sa harap niya. Ayoko. Napabuntong hininga ako para pakalmahin yung mga luha kong malapit ng tumulo.
"Stop it" sabi ko sakanya at napamulat. "Bitawan mo na ako" sabi ko at pinilit na tumayo.
"Woman....." Sabi niya kaya hindi ko siya pinansin. Nang malapit na ako tumayo ay muntik akong matumba. Inalalayan niya ako by holding my waist.
"Ano ba bitawan mo ako!" Inis kong tinaboy yung kamay niya."Just go.... Bahala ka na sa buhay mo" sabi ko.
Bakit ba kasi ang cold niya? Ang sungit niya? Bahala siya diyan. Paika-ika akong naglakad pabalik sa bahay. Naiinis ako sakanya!
"Woma---"
"Stop it Walter.... Pagod ako kaya please lang" sabi ko at tuluyan ng pumasok sa loob.
Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ay napasandal ako sa pintuan. Namiss ko lang naman siya ah... Masama ba? Bawal ba? Napabuntong hininga ako. Lumapit ako sa veranda at nilock yung pintuan. Sinara ko rin yung kurtina ko. Umupo ako sa kama. Ang sakit ng ankle ko!
-
Nandito ako ngayon sa school. As usual bitchy mode ako ngayon. Naka stilettos ako ngayon kaya medyo naiilang ako pag naglalakad. Hindi pa rin kasi okay yung paa ko. Aish! Kainis!
"Alice!" Napalingon ako. "Okay ka lang?! Bakit paika-ika kang naglalakad?" Tanong niya. OA naman nito.
"Whatever!" Sabi ko at tinalikuran siya. Bitchy mode nga kasi ako ngayon. Walang-wala ako sa mood.
"Heyyy.. Let me help you" sabi niya. Napabuntong hininga ako at hinayaan na lang siya alalayan ako. "Kailangan natin itong mapagamot sa clinic" sabi niya. Tumango na lang ako. Nang makarating kami sa clinic walang nurse. As in nakasara!
"Aba p*cha! Nakasara!" Inis na mura ng katabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Okay na ako" sabi ko at nauna ng maglakad.
-
Hapon na at mas tumindi ang sakit sa paa ko. Napaupo ako sa bench. Ang sakit. Tinignan ko ito. Mas lalong lumala. Namumula na ng sobra. Kailangan kong pumunta ng hospital. Aish bakit ba kasi ako nagsuot ng stilettos?!
-
Nang matapos nilang itreat yung paa ko ay agad akong lumabas. Habang naglalakad ako may something na nagpop sa utak ko na kalokohan. Napangisi ako at diniall yung number niya.
"Walter! Nandito ako ngayon sa hospital! Naaksidente ako! Pumunta ka ngayon din!" Sabi ko at hinung up. Napangisi ako. The b-tch came out!
It's playtime Walter.
BINABASA MO ANG
She's Dating the Mafia Prince (COMPLETED)
Fiksi RemajaIt is really official that i'm dating the Mafia Prince?! Everyone says that a Mafia Prince is brave, mysterious, and they are not scared to death. Yes that's true, but did you see a Mafia Prince that could not fight for his own love? - Hey guy's do...