Chapter 35

2.5K 53 0
                                    

Alice POV

Nakangiti ako habang bumababa sa Giant Swing. Grabe ang ganda! Lalo na yung hangin na tumatama sa skin ko. It's so refreshing at nakakarelax. Napatingin ako sakanya na nag-iwas ng tingin saakin. Pasimple pa!

"Okay magiging mabait ako sayo ngayon dahil una pa lang nakakarelax na yung ride" sabi ko. He smiled at me at hinila ako papunta sa malaking barko. Sana masaya ulit to. Hinila niya ako at sumakay kami sa pinakadulo.

"Kapit ka lang saakin o sumigaw ka na ayaw mo na" sabi niya saakin. Napataas yung kilay ko sakanya pero agad ko ding binaba dahil naalala ko yung sinabi ko kanina na magpapakabait ako. Umandar na yung boat. Nung una medyo maganda pero yung pataas ng pataas mas lalong gumanda. Tumaas kami kaya tinaas ko yung dalawang kamay ko.

"Aaaahhhhhhhhhhhhhh..... Ayaw ko na!"

Wala pa lang ayaw na? Napatingin ako kung sino to. Nanlaki yung mata ko. It's Terrence. Is he afraid of heights? Nakakatawa yung mukha niya. Parang nahihilo na hindi mo maintindihan. Napatawa ako habang nakataas yung dalawang kamay ko.

"Aaaahhhhhh d*mn!" Napailing ako.

Ang lakas ng loob niyang hilain ako hanggang dito sa dulo tas siya. -.-

-

Nang matapos yung Anchors Away ay agad kaming bumaba. Nakita ko siyang medyo tumatagilid ng lakad.

"Uy!" Pangugulat ko. Napatingin naman siya saakin.

"What?" Sabay hawak sa ulo niya

"Duwag ka naman pala!" Sabi ko at tinalikuran siya. Like duhhh!

"S-sinong duwag?!" Sigaw niya kaya I waved my hand as a sign of farewell. Gutom na kasi ako. Gusto ko ng kumain. "Sino?" Napatingin ako sa katabi ko. Mas lalo akong napatawa ng marealized ko kung ano ang nangyari sa kaninang waxed niyang buhok.

"Ayusin mo nga yang buhok mo! Mukha kang gusgusin!" Sabi ko. Napahinto naman siya at kinapa yung cellphone niya para manalamin. Nanlaki yung mata niya at napamura. Agad niya itong inayos. Nang maayos niya ay nakita kong may mga hibla pa na hindi naayos kaya lumapit ako sakanya at inabot yung buhok niya. Sa sobrang katangkaran niya hindi ko maabot. He bend his knees para maabot ko. Inayos ko yung buhok niya. Maya-maya ay ayos na kaya lumayo na ako sakanya.

Samantalang siya nakatulala at ganoon pa rin ang posistion niya.

"Huy! Ano! Hindi mo man lang ba ako bibilhan? Ikaw nanghila saakin dito kaya pakainin mo ako" sabi ko. Agad naman siyang napakilos at lumapit sa nagtitinda. Tinalikuran ko siya para pumunta sa bench. Umupo ako doon at hinintay siya.

Ilang minutes ay agad siyang dumating. Binigay niya saakin yung pagkain kaya agad akong kumain.

"Thank You nga pala" sabi ko sakanya. In my peripheral vision nakita ko siyang napalingon saakin.

"Ano?" Sarcastic niyang sabi.

"Bawal ng umulit ang diyosa" sabi ko at pinagpatuloy yung pagkain. Napatawa siya habang nakatingin saakin.



-

Gabi na ng makauwi kami. Hinatid niya ako ngayon sa mansiyon.

"Aalis na ako" sabi ko at binuksan yung pintuan ng kotse niya. Palabas na sana ako ng hilain niya ako pabalik.

"Ano bang problema mo?!" Inis kong sabi.

"I'll court you Alice.... Even if your answer is yes or no... I will still court you" nagulat ako sa sinabi niya. I'm speechless. It's impossible na magkagusto siya saakin in the short period of time.

"Ano ba yang pinag---"

"You need to go inside... Tita and Tito must be waiting for you" he lean closer to me and kiss my forehead. "GoodNight Alice" sabi niya.

Agad akong lumabas ng kotse niya. Pinaandar naman niya kaagad. Nang makaalis na yung kotse niya ay agad akong napalingon sa kabilang dulo ng kalsada.

O MY!


"Walter!"

She's Dating the Mafia Prince (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon