Alice POV
Asan ba yun? Ilang days ng hindi nagpaparamdam.... I started to get annoyed. Aish! Nakasimangot akong pumunta ng canteen.
"Oh... Ang aga aga nakasimangot" napatingin ako kung sino to. It's Terrence!
"So what?" Pagtataray ko sakanya.
"Eto naman ang sungit-sungit" sabi niya
"Umalis ka na nga lang kasi... Mas lalo mong sinisira yung araw ko! Tsupi!" Pagtataboy ko. He chuckled at hindi pinansin yung sinabi ko. Hinarap ko siya. Napaatras naman siya. "Babangasan kita o aalis ka" pagbabanta ko. He just shrug his shoulders and pretend na walang narinig. Ah ganoon. Tinaas ko yung kamao ko kaya bigla siyang napalayo.
"Nakalimutan ko yung history book ko... Oo tama! Naiwan ko" sabi niya. Napataas kilay ako ng makita ko yung librong hawak niya. Like seriously?! Hawak-hawak niya na nga yung history book niya. Inirapan ko siya at umupo sa upuan. Nakita ko dali-dali siyang umupo sa harap ko.
"O akala ko ba may nakalimutan ka?!" Pabalang kong tanong. He just smiled at pinakita saakin yung history book niya.
"Nandito pala" sabi niya. Pabebe talaga to!
"O edi umalis ka na" pagtataboy ko pero tinawanan niya lang ako at tumawag ng waiter.
-
Naglalakad ako ngayon dito sa field. Grabe nakakainis na ha?! Kanina pa siya nakabuntot saakin. Inis kong hinarap siya. Bigla naman siyang napahinto at napatingin palayo.
"Ano?" Sabi niya na nagmamaangmaangan pa. Inirapan ko siya. At nagpatuloy sa paglalakad.
Asan na ba kasi yung MAFIA PRINCE NA YUN! AISH! NAKAKAINIS!
"Thingking of him?" Sabi niya. Lumingon ako sakanya at napairap. Like duhh.
"Stop bothering me!" Inis kong sabi at naglakad muli. Napabuntong hininga na lang ako ng maglakad siya kasama ko. Ang kulit! Hindi ko na lang siya pinansin.
Where the hell is Walter?!
Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung may text siya.
No messages.
D*mn! Asan na kasi siya :(.
"Come with me" nagulat ako ng hilain ako ni Terrence.
Aba! Ang lakas naman ng loob niyang hilain ang isang magandang nilalang na katulad ko!
"Let go of me!" Inis kong sambit. Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako.
"Just this time please..... Maging mabait ka naman saakin" sabi niya. Hindi na lang ako sumagot at nagpahila na lang sakanya.
"Where are we going?" Bored kong tanong. Pumasok ako sa shotgun seat at pumasok naman siya sa driver's seat.
"Secret" banggit niya. Pabebe talaga to! =_=
"Whatever...." Sabi ko at napatingin ulit sa phone.
Walter? Ano ng nangyari sayo?
-
Napatingin ako kung saan niya ako dinala. Amusement Park?! Ano namang gagawin namin dito? Maglalaro ng habulan? O magtataguan? Like seriously?! Ayoko sa ganitong stuff.
"Aren't you amazed?" Tanong niya habang may malaking ngisi sa labi. Napataas kilay ko.
"Para kang bata" sabi ko
"Hindi naman to pambata eh" sabi niya. Nagkibit balikat ako at nauna ng pumasok sa loob. Pero bago ako tuluyang makapasok sa loob ay nilingon ko siya with my tiger look.
"If This thing aren't enjoyable..... I'll Kill You"
-
Terrence's POV
Pambihirang babae. Nakakatakot! Kulang na lang mangisay ako sa takot! Ano bang pinakain nila tita ba't ganoon kasungit yon? Pinaglihi ba siya sa sama ng loob? Hahahah joke lang. Napakamot ako ng ulo at sinundan siya sa loob.
"Here dito tayo" sabi ko sabay turo sa Giant Swing. She raised her eyebrow.
"Fine" sabi niya kaya tinabihan ko siyahabnag naglalakad kami papunta doon.
Inalalayan ko siyang umupo sa seat niya. Pero bago ako uupo. Inayos ko muna at binuckle yung seatbelt niya. Napatingin siya saakin with a bored look. Nginitian ko siya at umupo na din sa seat and buckle the seatbelt.
Nagsimula itong gumalaw. Napatingin ako sakanya na nakapokerface pa rin. Pataas kami ng pataas hanggang sa maramdaman namin yung malamig na hangin na tila niyayakap ka. Napatingin ako sakanya na nakapikit. I know someone's bothering her. And that's him. Napangiti ako ng makita kong nagrelax yung mukha niya. Seem's like she's enjoying it at hindi niya na ako papatayin. Napamulat siya ng mata at napatingin saakin kaya nag-iwas ako ng tingin at nilipat ito sa kabilang direksiyon.
Muli akong napatingin sakanya at napangiti. Bumulong ako sa hangin.
"My Fiance"
![](https://img.wattpad.com/cover/69373077-288-k977691.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Dating the Mafia Prince (COMPLETED)
Teen FictionIt is really official that i'm dating the Mafia Prince?! Everyone says that a Mafia Prince is brave, mysterious, and they are not scared to death. Yes that's true, but did you see a Mafia Prince that could not fight for his own love? - Hey guy's do...