PROLOGUE

29K 500 50
                                    

""ANG TAGAL NAMAN NI JOY,"" naiinis na sabi ni Karlo "Kai" Barcelona kasunod ang paglabas mula sa bulsa ng isang yosi at lighter. "Baka naman in-indian na tayo no'n. Eh thirty minutes na tayo'ng naghihintay sa kanya ah."

"Right! And n thirty minutes Kai, that's your third yosi!" sita ng tsinitang si Princess "Cez" Lanugan.

"Ano ba 'yan Kai, ang bata-bata pa natin, ang lakas mo na mag-yosi. What more pa sa pagtanda natin?!" pansin ng pinakamatangkad sa grupo na si Eduardo "Ed" Salvador. "Sisgurado ka bang darating pa 'yun Rye?"

"Oo naman, sigurado ako. H'wag na kayo'ng masyadong mainip. Mababadtrip pa ba naman tayo sa huling gabi nga tagu-taguan natin?" nakangiting sagot ng mestisong si Ryan Gilbert "Rye" Untalan. It was his idea to play hide and seek. Full moon and the last Friday before their graduation day.

Nakagawian na nila ng barkada na tuwing huling Biyernes ng buwan ay magkita kita sa likod ng abandonadong gusali sa loob ng subdivision bago sumapit ang hating gabi, upang maglaro ng taya-tayaan, taguan o kaya ay kwentuhan lang ng mga katatakutan na sinasabayan nila ng foodtrip.

Mula Grade I ay pmagkakasama na silang limang magbabarkada. Kaya alam na nila kung paano makakapasok at labas ng eskwelahan nila ng hindi nahuhuli ng gwardya.

At ito ang pinaka-espesyal na gabi ng paglalaro para sa kanila. Dahil ito ang huling Biyernes na makakapaglaro sila sa Saint Louisse Academy.

"She's coming!"

Halos sabay-sabay silang napalingon sa tinuturo ni Cez.

Napangiti si Rye na maaninag na mula sa dilim ang maputing si Eliza Joy Ignes. Joy was his first crush and became even his puppy love. At his young age, he even tried to imagine his self marrying that girl someday.

"Sorry guys, super late ako," hinihingal ma paumanhin ng dalagita ng tuluyan ng makalapit. "Oo nga pala, may kasama ako."

Batid ni Rye hindi lang sya ang nawalan ng excitement ng sa wakas ay mapansin ang binatilyong kasunod ni Jam, na hinihingal din.

*********************

"JOY, SINO'NG KASAMA MO?" sa wakas ay basag ni Ed sa namuong katahimikan ng barkada.

"Francisco Torres. I mean, Franco. Klasmeyt natin sya, ano ba kayo," nakangiting tugon naman ni Joy na nagtanggal ng suot na baseball cap at sinuklay ng mga daliri ang mahabang buhok.

"Yeah right, Joy, of course we know him!" Parang gustong mainis ni Cez sa tinugon na iyon n Joy.

Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Francsico Torres, eh isa ito sa pinaka-popular na estudyanye sa campus. Ang average height na binatilyo na sobrang payat at tila tutumba anumang oras na umihip ng malakas ang hangin, may suot ito'ng makapal na salamin na lalong nagpabilog sa mga mata nito, may bakod ng bakal ang sala-salang mga ngipin, weirdong gupit ng buhok na perpektong hugis ng kalahati ng bao ng niyog at laging may makapal na tuwalya sa likod. Ito na yata ang perpektong modelo ng estudyanteng binu-bully sa mga palabas sa T.V.

"Guys, isn't it obvious? He's here to play with us," nakangiti pa ring tugon ni Joy na hindi pinapansin ang inis sa mga mukha ng kasama. Inaasahan na nya ang mga reaksyong iyon ng barkada.

Samantalang tila ngayon lang nakakabawi ng paghinga si Franco. Mula kasi sa gate ay hindi na ito tumigil sa pagtakbo at pagtago kasama si Joy,upang maiwasan ang ilaw ng lente ng gwardyang nagbabantay.

"Pero Joy, baka ito na ang huling gabi ng Friday Trip natin, bakit nagsama ka pa ng asungot?" si Ed muli ang nagtanong.

"Franco is not asungot. Matagal na niyang gustong sumali sa Friday Trip natin, ayaw lang natin. Ayaw nyo lang," Joy explained. Magkakatabi sila ng barkada sa upuan sa klase at katabi niya sa kabilang upuan si Franco. Kahit kailan ay hindi ito nagdamot ng sagot sa barkada nila tuwing may mga exam at quiz,kahit pa minsan ay binubully ito nina Rye.

Where is Franco? (Published under VIVA PSICOM and featured as TV Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon