The Lost Heiress

26.7K 327 2
                                    

Disclaimer: This story is purely fictional. Every characters, scenes, and places are all made up. Any, scenes that are the same are purely coincidental.

All Rights Reserved

****

"Ateeeeeeee!" Nagising ako ng may matinis na boses na naririnig ko. At parang nayuyugyog ata yung kama ko?

"Ateeeeee! Gising naaaaaaa!" At ayun nga nabuhay na ang diwa ko. Ano ba 'yan. Nanaginip pa ako eh.

"Alice! Ano ba 'yun? Ang aga pa oh? Natutulog pa si ate" Sabi ko habang nagkakamot ng ulo. Aish naman 'tong kapatid ko. Aga aga eh.

"Ate! Hello! Anong oras na kaya! May pasok ka pa. At first day mo pa. Tsk tsk" sabi nito habang nakapamewang pa. Napatingin naman ako sa orasan namin at ...

8:30 na?! Lagot! 9:00 pa naman pasok, patay!

"Harujusko, Alice! Bakit ngayon ka lang nagsabi?! Ah! Alis ka d'yan maliligo na ako. "

Pagkasabi kong nu'n ay dali dali na ako nagpunta ng banyo at naligo ng mabilis. Unang araw ko palang tapos late na agad?! Tsk! Bad impression agad ako sa boss ko. Masungit pa naman daw yun.

Dali dali akong nag-ayos, hindi na ako kumain, siguro sa canteen na lang. Late na talaga ako!

"Mama, alis na po ako. Late na ako" sabi ko, naabutan ko kasi si mama na naghahain na ng pagkain.

"Kumain ka muna saglit"

"Hindi na po, Ma. Late na talaga ako"

"O'sige anak, mag-iingat ka ah?"  matapos n'yang sabihin 'yun eh, nagmano na ako at palabas na ng bahay.

"Ate! Ingat ka. Pasalubong ko ha?" tsss ayan nanaman si pasalubong. Hindi ko na ito pinansin at nagdidiretso na sa labas. Naabutan ko naman si papa na nasa labas at nagpaalam na ako.

Nagpara agad ako ng jeep at sumakay na. Woooohhh! Kaya toh. Hndi ako malalate nito. Tiwala lang! First day ko sa trabaho bilang sekretarya ng isa sa pinakamalakas na kumpanya dito sa Pinas.

Ang swerte ko nga dahil nakapasok ako sa mgandang kumpanya at nakakuha ng magandang posisyon. Scholar kasi ako sa isang unibersidad malapit lang sa amin kaya hindi kapanipaniwala na maganda ang nakuha kong trabaho.

Hindi ko namalayang nasa tapat na ko ng building na pagtratrabahuhan ko. Dali-dali akong pumasok dahil ilang minuto na lang at mag-aalas nueve na. Kaya kahit nakaheels ako eh, tinakbo ko hanggang sa loob. May nabangga pa ako at..

OH.MY.GHAD! N-natapunan ko siya ng kape!

"S---sorry po, sir" Pagpapaumanhin ko. Dahil sa pagpapanic ko, pinilit kong linisin yung damit nito pero bad move, lalong lang nadumihan yung damit nya.

"Hala! Sir, sorry po talaga! Sorry!" Napayuko nalang ako dahil pakiramdam ko andami ng nakatingin sa amin. Sinilip ko yung mukha nu'ng nabangga ko at nakashades ito pero kitang kita mo yung pagkaputi at pagtangos ng ilong nito at mapula-pulang labi.

"You! Do you know how much does this clothes costs?!" Galit na tanong ito. Grabe! Nakakatakot pala tong magalit! Parang dragon!

Magsasalita pa sana ako pero napatingin ako sa orasan. Harujusko! 5minutes nlang malalate na ako.

"Sir, sorry po talaga, babayaran ko na lang po pagka-s'weldo ko po, late na po ako eh. Sige po, bye!" Sabay kuripas ng takbo ko patungon elevator. Buti nakasakay agad ako at buti nakatakas na ako sa dragon na 'yun.

Pagbukas ng elevator, lumabas na agad ako at nagtungo sa puwesto ko. Sa tabi ng malaking pintuan na to ang opisina ng magiging boss ko. Whew! Buti nlang nakaabot pa ako.

Nag-ayos na ako ng sarili ko para naman pagdating ng boss ko eh, maayos akong tignan.

Matapos ang ilang minutong paghihintay, biglang umingay sa lbas at halos lahat ng emplayado ay bumabati sa isang tao. Pakiramdam ko ay ito na yun. Ito na. Nandito na ang boss ko.

Good morning, Sir

Hi, Sir. Good morning po.

Nakangiti akong humarap nung maramdaman kong malapit na ito.

"Good Morn-----Ikaw?!/Ikaw?!"

Oh, no sago!

The Lost Heiress #Wattys2016 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon