Kristal's POV
Matapos naming pumunta sa sementeryo ay umuwi na rin kami agad. Sabi ni Ruzzel sa bahay na lang kami maghahapunan kasi nagluto daw si manang. As usual, buong byahe pauwi sa mansyon ay walang nagsasalita. Hindi ko na rin kinulit si Ruzzel sa kung anu-anomg bagay. Alam kong hindi ito ang panahon para soon. Dahil sa sobrang traffic ay matagal-tagal bago kami makauwi. Pagpasok namin ay sinalubong kami ni manang.
"Oh, andiyan na pala kayo." Sabi ni manang ng nakangiti.
"Ba't ang tagal niyo?" Dagdag na tanong niya.
"Ah, sa sem ----" Naputol ang sasabihin ko nang padabog na umakyat sa hagdan si Ruzzel kaya nagkatinginan kami ni manang. Hindi na lang namin siya pinansin. Mahirap na 'noh. Mukhang wala sa wisyo eh.
Sinabayan na ako ni manang sa pagkain. Talagang hinintay niya daw kami na dumating bago kumain. Sinigang na.hipon ang hapunan namin. Namangha ako dahil sobrang sarap ng pagkakaluto nito.
"Wow!! Manang! Ang sarap po ng luto niyo. Grabe the best! " Sabi ko habang punong-puno ang bibig ko ng pagkain. Hihi soreh naman. Masarap talaga eh.
"Naku, ikaw bata ka! Nguyain mo nga muna:'yang kinakain mo." Puna ni manang sa'kin. Nang maubos ko na ang nginunguya ko ay nagsorry ako kay manang.
"Sorry po. Hihi." Nginitian niya lang ako.
"Ahm, manang?" Tawag ko sa kanya kaya agad naman niya akong nilingon.
"Ano 'yon hija?"
"Ahm, close po ba si Ruzzel sa mga magulang niya?" Bigla na lang siyang natigilan at tiningnan ako ng seryoso. Halah? Bawal ba pag-usapan ang tungkol sa kanila.?
"Sorry po, Wag niyo nalang pong pansin----."
"Gusto mo ba talagang malaman? " seryosong tanong niya.
"O-opo sana. Pero kung bawal pong pag-usapan ayos lang po." Nahihiya kong sabi kaya medyo nakayuko ako.
"Sige, sasabihin ko kung ga'no ka-close si Ruzzel sa parents niya, lalong lalo na sa mama nya." Bigla akong napaangat ng tingin.
Lourdes' POV
(Siya si manang Lourdes)
"Sige sasabihin ko kung ga'no ka-close si Ruzzel sa parents niya especially to his mom." Seryosong sabi ko. Hmm, mukhang gusto talaga ni Kristal malaman ang tungkol sa pamilya ni Ruzzel.
**FlashBack**
"Manang? Manang?" Tawag sa'kin ni prince habang tumatakbo papalapit sa direksyon ko. Hmmm parang Alam ko na kung bakit 'to nagkakaganito.
"Ay, ano ba 'yan bata ka? Wag kang tumakbo at baka madulas ka." Puna ko sa kanya. Itong batang 'to talaga.
"Manang, tulungan mo ako please? " Nang makalapit na siya sa'kin ay hinilahila niya pa ang kamay ko.
"Tulungan saan?" Kunyari ay wala akong alam. Alam ko namang magpapatulong 'tong batang 'to pag aalis sila ng mommy at daddy niya.
"Aalis daw kami manang. Pupunta kami sa park." Masayamg sabi nito. Pumunta na lang ako sa kwarto niya at inayos na ang mga kakailanganin nila. Matapos ng pag- aayos ng mga gamit nila ay umalis na rin kami. Oo. Tama. Kasama ako sa kanila. Ganito naman lagi eh. Lagi nila akong kasama sa mga lakad nila. Mula pa lang pagkapangnak ni prince ay ako na ang nag-alaga sa kanya. Ganun din sa kanyang ama. Matagal na akong nagtatrabaho sa pamilya nila. Saksi aki sa bawat ngiti at iyak na nararamdaman ni prince. Itinuring ko na rin siya bilang sarili kong anak. Wala rin naman kasi akong anak e.
Pagkarating namin sa park ay ako na ang nag- ayos ng mga gamit namin. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko sila. Ayun si Prince at ang mga magulang niya, masayang masaya na naghahabulan parang mga bata sina King at Queen. (King at Queen, mga magulang ni Ruzzel)
BINABASA MO ANG
When A Monster Boss Meet His Personal Slave
RomanceMahirap Mag-isa.. Mahirap kung ikaw lang nagmamahal sa sarili mo. Mahirap gawin Ang Lahat ng bagay Kung Ikaw Lang At Walang Iba. Pero Mas Mahirap Pala Kapag Panlabas Na Kalooban Lang Ang Hinahanap Sayo. Kung Saan Mismong Itsura At Katayuan Lamang An...