Nagising ako mula sa pagkakatulog ko ng maramdaman kong sobrang tahimik sa paligid ko,nag unat ako ng braso tyaka humarap sa working area ni ruzzel nakita kong abala pa rin sya sa kanina pa nyang ginagawa.Himala lang talaga walang halimaw na gumising *smile*.
Hindi ko na sya naggawang isturbuhin pa. Baka mamaya pa nyan sigawan na naman ako pagnagalit.Kinuha ko nalang ang cellphone ko at na fb muna hehe matingnan nga ang mga friend request.
"Woah alam ko na!"napasigaw ako ng may maisip akong tamang gagawin.
Ops!napatingin ako kay ruzzel at ayun nakatingin din sya with matching masamang tingin.Sorry naman di ko naman sinasadya eh,kaya nagpiece sign nalang ako sakanya sabay ngiti at agad binalikan ang kanyang ginagawa.
Agad ko naman inalungkat yung cp ko at inopen ang wattpad apps ko. Magbabasa nalang ako kisa naman mag fb. inumpisahan ko ng magbasa,nasa kalagitnaan na ako ng story kaya naman medyo interesting na nakakaiyak lang kasi magkaaway sila nung boy bumalik kasi yung ex tapos naging komplikado pa ang lahat sa kanila tsk.
Nang matapos akong magbasa ay agad kong tinago ang cp ko.Grabe pinaiyak pa ako happy ending naman pala ang patutunguhan hay. Sa reality may happy ending din kaya? Sana may ganun din sa totoong buhay katulad ng mga nababasa ko sa wattpad kahit madaming pagsubok may happy ending sila.
Tumayo muna ako sumilip sa bintana gabing gabi na pala.
~cruuu~cruuu~
Gutom na ako*pout* anong oras pa kaya kami aalis dito? May balak ba syang umalis at kumain?
~~
Napansin kong inaantok na siya. Kaya nagdecide akong alukin sya ...
"kape? Gusto mo?"Tumango sya kaya umalis agad ako at ipinagtimpla sya ng kape,shempre ako din kanina pa ako gutom eh. Pagkatapos ko ay bumalik na agad ako sa office nya.
"Ito oh?" Inabot ko sa kanya ang isang tasang kape at kinuha nya naman iyun. Ininom nya lang
yun. Ni walang thank you Tsk.
-------
------------
---------------------
Makalipas ang ilang oras, lahat ng impliyado sa opisina ay umalis na. Kaya ito, naiwan kaming dalawa dito sa office nya.
"Di pa ba tayo uuwi maw? " tanong ko habang nag- uunat
"I said don't you dare call me, maw ok?Maghintay ka dyan tatapusin ko lang to, just give me 10 minutes. " mukhang pagod at gutom na rin sya.
Wala na akong nagawa, humiga na lang ako sa sofa . Kanina pa kasi ako inaantok eh. Hayssst.
After 10 minutes....
"Let's go?" Nagulat ako sa boses nya kaya napatayo agad ako. Pagtingin ko sa kanya, aba ready na ang mokong na umalis.
"Sige " kinuha ko na ang bag ko at sinundan sya palabas ng office nya.
Nakasunod lang ako sakanya...nakarating na kami sa parking lot, dire-diretso lang sya sa
kotse nya. Ni hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan ulit. Pumasok na lang din ako. Dun ako
umupo sa may tabi nya.Sumandal ako sa upuan at ipinikit ko muna ang mga mata ko.
"Kristal! Freak! Wake up!"Napamulat agad ako.Di ko napansing nakaidlip na pala ako.
Paglingon ko sa bintana, nagulat ako dahil nasa ibang lugar kami at wala pa kami sa mansyon.
"Nasaan tayo?"
"Tsk kakain muna tayo." Hay salamat makakakain na rin ako.
Lumabas na kami sa kotse at sinundan sya papasok ng restaurant. Pagpasok pa lang namin ay napamangha na ako. Mga disenyo pa lang sa paligid nito ay masasabi mo nang sosyal at mamahalin ang mga pagkain dito.
Lahat ng mga staff pag nakakasalubong namin ay binabati si Ruzzel . Naisip ko tuloy na baka
sila ang may ari ng restaurant na ito
Umupo na kami. Magkaharap kami sa isang table."Anong gusto mong kainin?"
"Kahit ano, ikaw na lang ang bahala."
Tinawag niya ang isang waiter at agad itong lumapit,. Umorder na si Ruzzel ng pagkain.
After 20-30 minutes may lumapit na waiter,hay mali, mga waiter pala. Tatlo sila at hhalah? Ang daming dalang pagkain. Inilapag na agad nila ang mga pagkain at agad na umalis.
"Kumain ka na!" Napatingin ako sa kanya.
"Bakit ang dami mong inorder? Kaya ba nating ubusin yan? " tumawa sya ng mahina
"Basta kumain ka na lang dyan!" Kumain na lang ako at masasabi ko talagang masarap ang mga pagkaing ihinahanda dito. Kumain lang kami ng kumain. Grabe! Napatingin
ako sa harapan ko at nakita ko syang sarap na sarap sa kinakain nya.
Napansin ko na halos maubos ko lahat ng nasa plato ko. Ehh? Masarap naman kasi mga pagkain dito. At isa pa kanina pa ako gutom eh.
"see?" Tiningnan ko sya at nakangiti sya ng nakakaluko.
"Naubos mo lahat ng pagkain oh? " tinuro nya pa ang plato ko at tawa ng tawa ng malakas na parang sinasabing ang takaw takaw ko.
Tinaasan ko lang sya ng kilay.
After nun ay umalis na rin agad kami ng restaurant.... around 10:30 na ng gabi ng makalabas kami. Paglabas namin ng resto, may tatlong tao kaming nakasalubong, mag-asawa at may isang anak.Mukhang papunta sila sa resto kung saan kami galing.... Napatingin ako kay Ruzzel, nakatitig sya dun sa pamilyang nakasalubong namin at ang seryoso na ng mukha nya.
"Huy! Ayos ka lang ba? " nagulat ata sya at napatingin agad sya saakin. Ang seryoso ng mukha niya. Wala akong nakuhang sagot sa kanya. At ayun naglakad na papuntang kotse.
Nagulat ako ng buksan nya ang pintuan kung saan ako uupo...
"Pasok." Aba himala.....
Tumango na lang ako sa kanya at agad na pumasok. .Habang nasa byahe kami ay wala ni isa saamin
ang nagsasalita.. naisip ko bigla ang nangyari kanina. Naalala ko, wala na nga pala siyang mga magulang. Kaya siguro ganun na lang ang reaksyon niya kanina...
Maya maya ay nakarating na rin kami sa mansyon. Dumiretso na agad ako sa kuwarto at agad na humiga sa kama....
Nakakapagod ang araw na ito.
-Ehem! Ayan nakapag UD na ako. By the way thank you so much sa gumawa ng chaps na to. Tinulungan nya ako ng chapter 4 .kaway kaway sa magandang si ms #CHEYZRYN :)
I hope nagustuhan nyo yung chapter na to :*
BINABASA MO ANG
When A Monster Boss Meet His Personal Slave
Roman d'amourMahirap Mag-isa.. Mahirap kung ikaw lang nagmamahal sa sarili mo. Mahirap gawin Ang Lahat ng bagay Kung Ikaw Lang At Walang Iba. Pero Mas Mahirap Pala Kapag Panlabas Na Kalooban Lang Ang Hinahanap Sayo. Kung Saan Mismong Itsura At Katayuan Lamang An...