Chapter 32:His Dream?

1.6K 46 5
                                        

Nang makarating na kami sa bahay ay agad naman namin inakay si ruzzel papuntang kwarto nya.Tss iinom inom kasi hindi naman pala kaya..

"Dito nalang siguro maxx.."saad ko ng

makarating na kami sa kwarto nito.

"All right."Tugon nya tyaka nya inihiga si ruzzel sa kama..

"ahh maxx tungkol sa sinabi mo kanina na may binanggit sya doon sa bar..tingin mo sino kaya yun?"hindi ako nagdalawang isip na itanong iyon

kay maxx dahil sa gusto kong malaman kung bakit naglasing ang isang ito.

"Let's talk sa baba.."malamig na wika niya tyaka siya lumabas ng kwarto ni ruzzel.Pinagmasdan ko muna ito bago ako sumunod kay maxx sa labas.Pagkalabas ko ng kwarto ni ruzzel ay nilock ko naman ang pinto nito,bumaba na ako at tumungong harden na kung saan nandoon si maxx.

"Maxx.."tawag ko sa kanya habang nakatalikod sya.

"Tinatanong mo kung sino yung binanggit nya sa bar diba?"tumango ako bagamat hindi nya kita ngunit alam kong alam niyang iyon ang gusto kong itanong sa kanya.

"Actually hindi ko alam,ngayon lang siya uminom ng ganon karami..siguro hindi pa din talaga siya nakakamove on sa past niya.."pagkasabi nya nun

ay humarap sya sakin at ako naman ay napaangat ang ulo dahil sa sinabi nya.

Hindi pa nakakamoveon sa past si ruzzel?Anong ibigsabihin niya.

"A-anong past?"Nakita kong may kinuha siyang stick ng sigarilyo at sinindihan niya iyon.

"2 years ago he had his strong relationship with one girl..Sa katunayan hindi ganyan si ruzzel,ibang iba sya dati kumpara sa kung ano

ang nakikita mo sa kanya ngayon."Nakikinig lang ako sa kanya habang sya naman ay seryusong nagpapaliwanag

"Halos palagi sila magkasama nung una nyang girlfriend pero sa hindi inaasahan ay iniwan sya nito ng

biglaan..Nagiba si ruzzel,nagbago dahil doon sinundan pa nga nya yun eh.."

Napaangat muli ang aking ulo nang sabihin nya iyon.Ibigsabihin ganon nalang nya kamahal yung babae sa nakaraan niya.

"Pero alam mo hindi na nya nakita pa, akala namin nakalimutan na nya ang

babaeng yon pero hindi pala martyr pa rin sya."Hindi ko man lang alam na may ganitong past pala si ruzzel ..

"Ano nang nangyari doon sa babae?" Takang tanong ko siguro naman ay may balita na sila two years na din naman ang nakalipas eh..

"Sa totoo lang kristal until now hindi pa naming alam kung anong nangyari sa kanya basta nalang niya iniwan si ruzzel at pumuntang Canada."

Nalungkot naman ako sa nalaman ko.Kahit naman may gusto ako sa halimaw na yun hindi pa rin maaalis sakin ang maging malungkot lalo na kung galing iyong sa isang taong mahalaga sayo.

"Sige aalis na muna ako kristal siguro naman naliwanagan kana tyaka pakiasikaso na lang si ruzzel kapag nagising na siya."Saka nya itinapon ang natitirang stick ng sigarilyo.

"Salamat nga pala sa pagtulong sa akin."

"Walang anuman yun sige basta ba yung kasunduan natin ah Hahaha"Napangiti naman ako ng ipaalala ni maxx yung kasunduan namin naku! Kung hindi lang niya ako tinakot Haha.

Hinatid ko naman ito sa may labasan ng gate at sumakay naman na siya sa kanyang sasakyan at umalis na.Dumiretso naman ako sa kusina

upang ihanda ang gamot ni ruzzel para sa hangover niya.Nang maihanda ko na ay umakyat na ako sa kwarto niya. Pagakyat ko ay tulog pa rin siya...

When A Monster Boss Meet His Personal SlaveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon