Chapter 28
Kanina pa ako nahihilo kung ano ang susuotin ko well sinisingil na kasi ako ni kaizer sa utang ko raw sakanya. At formal dapat ang susuotin kaya naman kanina pa ako hindi makapili ng maayos na damit ang simple lang naman ng gusto ko yung desente para hindi naman ako nagmumukhang alalay ni kaizer noh!
Hanggang sa napagdicisionan ko na isang simple dress na lang..
"Ayan okay na!!!"naglagay na ako ng pulbos at lipbalm ayun tapos na din sa wakas..
Kung tatanungin nyo ako kung anong nangyari kahapon as usual gaya pa rin ng dati.Yun lang ay matalas na tingin lang ang binibigay ni ruzzel sakin nung umuwi sya.bakit inaano ko ba sya?
Lalabas na sana ako ng kwarto Hanggang sa biglang tumunog yung phone ko na parang may nagtext at ng buksan ko ay message na pala ni kaizer.
---
Kaizer
-dito na ako sa tapat ng subdivision niyo.Where are you?
---
Hala ka! Ang aga naman niya pero atleast sinunod niya sinabi ko kasi nang tanungin niya kung saan ang bahay ko ay ang sabi ko na lang
ay kita na lang kami sa resto pero mapilit siya kaya sabi ko sa harap na lang ng subdivision ako sundoin dahil baka magalit parents ko yan na
lang sinabi ko sakanya.
May magagalit baka naman si ruzzel yun?Tsk. bahala sya tyaka Wala naman sya pakialam sakin kung San ako pupunta diba?halimaw nga kasi sya--at isa ito na yata paraan para mawala ang feelings ko sa kanya..
Sige lang kristal kaya mo yan!
Ganun na din namam yun dahil kapag nalaman ni kaizer na nandito ako ay baka. Malaman na ng buong school.
Ano yun chismoso lang si kaizer?
Hay! Basta ewan!!Palabas na ako sa kwarto at sakyo din naman na
palabas din si Ruzzel. Tsk! Kung minamalas ka nga naman oh!
Bigla akong humawak sa dibdib ko para kasi nagkakarera na naman sa sobrang bilis ng tibok. hayyys..Imbis na magtagal at magtitigan lang kami ay hindi ko na lang siya pinansin kaya lang ay nagulat ako ng bigla niyang higgitin ang braso ko kaya naman
napatigil ako sa pagbaba sa may hagdan.
Kahit naman nakaflats lang ako ay ayaw ko naman gumulong gulong sa may hagdan noh!
"B-bakit ba?" Reklamo ko sakanya.
"Where are you doing?"
Bakit ano bang pakialam niya kung saan ako pupunta?diba nga slave nya lang ako na hindi pwedeng--- Hindi pwedeng mafall sa kanya..
"W-wala ka nang pakialam doon." Pataray na sabi ko kay maw.Jusme hayaan mo nalang ako,ang hirap umiwas eh kapag nandyan lagi..
"Tsk! At talagang marunong ka nang tarayan ako ganun?"
"Bakit ba wala namang masama kung lalabas ako ah!"
"Lalabas? At sino naman kasama mo?"Teka? Bakit ba ng dami niyang tanung?
"Si li-liyra bakit masa--"Omygod!Sinabi ko bang si liyra. Hindi nya pa pala alam na kilala ko si liyra.
"Liyra?who's that?"Woaah sabi na eh tyaka mas lalo namang nagalit yan kapag sinabi ko na lalaki ang kasama ko diba?
"Teka nga bakit ba ang dami mong tanung lalabas lang naman ako ah! Wala namang masama doon eh."
"Oo walang masama kapag lalabas ka ang masama ay hating gabi na at aalis ka pa nang bahay."
BINABASA MO ANG
When A Monster Boss Meet His Personal Slave
DragosteMahirap Mag-isa.. Mahirap kung ikaw lang nagmamahal sa sarili mo. Mahirap gawin Ang Lahat ng bagay Kung Ikaw Lang At Walang Iba. Pero Mas Mahirap Pala Kapag Panlabas Na Kalooban Lang Ang Hinahanap Sayo. Kung Saan Mismong Itsura At Katayuan Lamang An...