Kung nakakamatay lang siguro ang tingin ay kanina pa ako pinaglalamayan.Paano ko nasabi
dahil sa sobrang talim ng mga tingin saaken ng mga babae na madaanan ko.
"Hey! Xera okay ka lang?"Opo tama ang basa niyo kaya sobrang talim ng
mga tingin saaken ng mga babae ay dahil kasama ko si kaizer ngayon.
"Uhmm ka-kaizer hindi mo naman kasi ako kailangang ihatid hanggang sa classroom namin eh."
"Teka kinahihiya mo ba na kasama mo ang bestfriend mo?" Bigla niyang tampo saakin.Hindi pa rin ako sanay na sinasabihan niya ako ng bestfriend eh medyo nakakailang pa rin sa
pakiramdam.
"Hindi sa ganun sikat ka kasi tapos ang kasama mo yung dakilang nerd ng school oh! Diba baka naman mamaya niyan bigla akong sugurin ng
fans club mo."
"Haha.Hindi yan subukan lang nila ako mismo ang bubuwag ng fans club na yun, para saaken mas importante ka pa doon."Tyaka sya kumindat sakin.Hayy!Hindi ko alam kung maiihi ba ako o matatae sa mga hirit niya sobra siyang magpakilig ng
babae eh..no wonder kung bakit gustong gusto siya ng mga
babae. Swerte nga nung babaeng mamahalin niya dahil sobrang sweet at mabait ni kaizer bonus na lang ang pagiging gwapo niya.
"Hey! Di mo naman na ako pinapansin. Hindi mo naman na kasi kailangang isipin ako eh! Nandito
lang naman ako sa tabi mo kanina pa."Ngayon parang gusto ko na siyang batukan!Binabawi ko na lahat ng mga sinabi ko kanina lang erase! Erase!
"Tse!"Yan na lang ang sabi ko tapos naglalakad na ako ng mabilis papunta sa room.
"Ingat bestfriend!"
Bigla niyang sigaw kaya naman hindi ko napigilang lumingon at ang mokong patawa-tawa pa!Hay!Goodluck na lang saaken.
"KRISTAL!!!"Hindi ko alam kung nakalunok ba ito ng mega phone sa lakas ng boses niya.
"Ang ingay mo liyra!" Bulyaw ko naman sakanya nang makalapit na siya saaken.Nag peace sign na lang siya saaken nang makalapit na siya. Pero sa totoo lang gusto kong sabihin sakanya ang mga nalaman ko tungkol sa sarili ko pero baka iwasan niya ako kapag nagkataon.
Dumeretso na lang kami sa room namin hindi na kami nakapagusap ni liyra kasi dumating na din yung prof. namin pero hindi pa rin mawala sa
isip ko yung mga nangyari kagabi.
Flashback:
"M-max?"
"Teka diba ikaw yung kaibigan ni liyra? Si kristal?Anong ginagawa mo dito sa bahay nila ruzzel?"
Patay!!
"Ah eh hehe o-oo ako nga yun."Kung ano ang kinaganda nang nangyari kanina yun naman ang kinamalas ngayon. Diyos ko po baka itapon na ako sa bangin ni maw kapag nalaman niya to. Huhuhu
"Tu-tulungan na kita."Tinulak ko naman nang bahagya yung babae paramakaalis na siya sa pagkakalingkis kay maw.Kung makapululupot kasi ang isang to tsk..Kahit hirap na hirap na ako na maiakyat si maw ay naiakyat din naman namin siya ni max sa kwarto niya.
Hay! Ano bang nangyari sayong mamaw ka?
"E-ehmm"Hala muntik ko nang makalimutan na nandito nga pala si max.Napakagat labi nalang ako at nilalaro ang mga daliri.
BINABASA MO ANG
When A Monster Boss Meet His Personal Slave
Roman d'amourMahirap Mag-isa.. Mahirap kung ikaw lang nagmamahal sa sarili mo. Mahirap gawin Ang Lahat ng bagay Kung Ikaw Lang At Walang Iba. Pero Mas Mahirap Pala Kapag Panlabas Na Kalooban Lang Ang Hinahanap Sayo. Kung Saan Mismong Itsura At Katayuan Lamang An...