Chapter 36: Pagtataka

1.2K 34 0
                                        

Kristal POV

Hayy ano ba yan!Kanina pa ako kinukulit ni caileera tungkol sa intrams na yan.Kung bakit ba ako pa napatripan ng mga kaklase ko ni hindi nga ako nababagay sa mga rampa rampa na yan at wala din naman ako experience pagdating sa ganyang bagay baka mapahiya pa ako sa harap ng mga ka schoolmates ko.

"Ano kristal?Ano payag kana ba ako bahala Sayo."Nakangiting tugon niya

"Hay ano ba Cai hindi nga ako nararapat dyan eh.Teka ikaw nalang kaya ang magrepresent ng section natin!"Nakaupo kami ngayon sa field habang pinag-aaralan ang susunod na topic namin sa chem.

Natigil ako sa pagbabasa ng hinawakan niya ako sa balikat ko.

“Oy ano kaba! kaya ka nga namin pinili dahil ikaw ang nababagay doon!"Bumuntong hininga ako saka ako sumagot.

“Alam mo itigil mo na yan pagpupumilit mo wala di iyang patutunguhan.Isa pa pagtatawanan lang ako doon."

Pagkasabi ko noon ay inalis ko yung kamay niya sa balikat ko at nagbasa ulit.Totoo naman kasi baka pagtawanan pa ako pagnagkataon at isa pa madaming may ayaw sakin.

"Ako na nga bahala sayo emamake over kita ng bongang bonga!Tao ka pa din nuh! kala mo naman sayo Haha"Tinaasan ko siya ng kilay at agad na tumayo.

"Oh saan ka pupunta?"

"Ahh basta ayuko pa rin! Pupunta na nga akong classroom iaanounce ko na ikaw nalang ang sasali."Saka ko pinulot lahat ng gamit ko at naglakad.

"Aba! teka lang kristal!Hindi din naman sila sasang-ayon sayo eh!"Pasigaw niyang sabi tse! Bahala na nga sila ayuko naman kasi sumali sa mga ganyan eh.

Pagkapasok ko sa classroom napansin ko naman na nakatingin silang lahat sa akin.Hindi naman ako maganda ngunit bakit parang ako nalang yata ang palaging agaw atensyon dito!Hinayaan ko nalang sila at agad akong naupo sa upuan ko.

"Hey kristal."

"Hay anak ng butiki"

"Grabe ang ganda ko namang butiki pag nagkataon!Hahaha."

"Ano ba naman Liyra andito lang ako oh,kailangan sumigaw?"busangot kong sagot sakanya.Kitang namomroblema na nga yung tao eh.

"I'm sorry but you know kasi napakaswerte mo,they choose you."ngiting tugon nito.

Anong ibigsabihin niya?

"Alin naman?"Tanong ko.

"Iyong pagiging entry mo for Ms.Intrams."aniya at ngumiti pa habang hinawi niya ang buhok na lumaylay sa kanyang mukha.

"Hay!pati ba naman ikaw alam mo kung ikaw nalang kaya ang mag entry nung section natin tutal mas maganda ka naman kesa sakin wala akong laban pagdating diyan."wika ko,saka ko kinuha ang mga libro na kanina ko pa nilabas mula sa bag ko.

"Don't me Kristal,ikaw ang napili nung klase at sinang-ayunan na yung ng ating guro baka mamaya ako pa pagalitan nun eh." Sabay taas pa niya ng kilay niya.

"Hay!ano ba kasing nakain ni sir at pumayag siya na ako ang maging entry nung section natin sa Ms.Intrams?"Napabuntong hininga nalang ako at nag-isip naman ng posibleng solusyon sa problema kong ito.Ngunit narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni liyra.

"Hahaha Kristal naman maglalakad ka lang naman sa entablado huwag mo ng problemahin at damdamin ang pagiging entry mo,maganda ka naman ah."Tugon niya habang nakapamiwang pa ito.

Nginitian ko siya ng mapait at nagsimulang magsalita. "Nga naman bakit ko naman poproblemahin ano?Lalakad lang naman ako sa entablado sa harap ng napakaraming tao na kapag natapilok ako pagtatawanan nila ako o di kaya tutuksuhin naman nila ako."

When A Monster Boss Meet His Personal SlaveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon