Kristal Pov:
"Nanana..Ano ang iyong pangalan...Nais kong malaman At kung may nobyo ka na ba..Sana nama'y wala..Di mo ko masisisi..Sumusulyap palagi Sa'yong mga matang O kay ganda o binibini..."
Hawak hawak ko ngayon ang walis tambo at pakanta kanta ginagawa kong microphone yung walis eh he-he.Naglilinis kasi ako ng buong mansyon nakakaboring kaya..
Magsimula kasi nung umalis yung halimaw dito sa bahay Naging tahimik na dito---paano ako lang naman at si manang lordes ang nandito. Langyah kasi yung bakulaw na halimaw na yun Woaaah!wala tuloy ako kausap dito ---Ruzzel bumalik kanang lalaki ka!!OK na sakin awayin at sigawan mo ako basta ayuko mag isa huhu..
Bumalik na ako sa aking ginagawa at nagpatuloy sa pagkanta..
"O ang isang katulad mo!!Ay dina dapat pang pakawalan!!Alam mo bang pag naging tayo!!Hinding hindi na kita bibitawan!!Aalagaan ka't di pababayaan!!Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesaaaaaaa! O ang isang ka---"
"Hindi kaba naiingayan sa boses mo?"
"Ayy letse ka!"nagulat ako ng may magsalita mula sa likod ko with is sa may pintuan.Pagkakita ko ay si maw..Omeged!bumalik na sya.
"Tsk.Where's manang?"Nyenye.Tanong nya.
"Nasa taas naglilinis din.Woaah buti umuwi kana!"ngiting tugon ko.teka bakit parang gumwapo yata ang lalaking to.Dalawang araw lang namawala.Siguro ng pa facial wash to haha Hay ano ba kristal halimaw pa din yan no.
"And so?Tabi nga magpapahinga ako."Tsk.Suplado pero OK lang at least nandito na ulit sya di na ako mabobored he he
"Anong gusto mong maiinom?juice or what?"ngiti kong sabi
"Nah wala..Just continue your doing."Tyaka sya naglakad papuntang sofa at naupo.
Sumunod na nga ako sa kanya.Ano kayang meron at mukhang badtrip ang isang to?Paano ko nasabi well mukha siyang badtrip at haggard nga.Dahil nakaupo siya ngayon at
nakapikit habang hinihilot niya ang sintido niya.
Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa.Why so gwapo ruzzel?
Ay takteng isip to talaga oh! Bakit ba laging sumisingit?Umakyat na lang ako sa kwarto ng matapos ko ang paglilinis.Naligo muna ako saglit dahil medyo nangangati na ako gawa ng alikabok.
Nang makababa na ako ay ganun pa rin ang istura niya.Tumuloy na lang ako sa kusina para makapaghanda na ng pang gabihan.
Ano kaya ang magandang iluto para sa taong pagod?
Adobo kaya?
Kare-kare?
O kaya sinigang?
"Oh bakit nakatulala ka dyan kristal?"
"Ay palakang hilaw!"Napahawak ako sa dibdib ko ng magsalita so manang lordes
"may palaka bang hilaw hija."matawang tawa si manang dahil sa sinabi ko.Merun bang hilaw na palaka --hayy baliw ka na kristal.
"Manang naman eh wag kasi kayong
nanggugulat."
"Hindi naman kita ginulat eh sadyang tulala ka lang at wala sa wisyo kaya ayan nagugulat ka."
"Manang naman. Iniisip ko po kasi kung ano ang magandang ipakain kay ruzzel medyo pagod po siya atsaka halatang may iniisip pa po siya eh."
"Napansin ko din iyon.Ano nga ba?Ah kare kare na lang hija mas masustansya yun sa isip at katawan ng isang tao."
BINABASA MO ANG
When A Monster Boss Meet His Personal Slave
Roman d'amourMahirap Mag-isa.. Mahirap kung ikaw lang nagmamahal sa sarili mo. Mahirap gawin Ang Lahat ng bagay Kung Ikaw Lang At Walang Iba. Pero Mas Mahirap Pala Kapag Panlabas Na Kalooban Lang Ang Hinahanap Sayo. Kung Saan Mismong Itsura At Katayuan Lamang An...