Naglalakad na ako papuntang next subject ko at tinago ang aking cellphone sa bag ko.
"Kristal." Halos mapatalon ako sa gulat ng may tumawag sa'kin.Wang'ya oh.. Paglingon ko,jusmeee si Liyra lang pala.
"Hoy! Balak mo ba akong patayin sa gulat Ah?Bigla bigla ka na lang sumusulpot."
"Ehh?Haha Kanina pa kaya ako tawag ng tawag sa'yo.Hindi mo nga ako pinapansin Eh." Sabi niya.
"Eh ba't ba kasi? Anong kailangan.O?" medyo Mataray kong sagot.
"Well,sabay na tayong pumasok sa room. " nakangiti niyang sabi.
Wala na akong nagawa dahil hinila niya na ako.Tsss! Kulit 'noh?
Pagdating namin sa room as usual, maingay ang mga classmates ko..
dumiretso na ako sa loob at umupo na sa puwesto ko. Nagumpisa na si sir maglecture at Ilang oras pa ay dinismiss na kami ng professor namin.
-lunch time -
Dahil mapilit si Liyra, ito sabay kaming kakain ngayon sa cafeteria. Pagdating namin, as usual ulit marami ng tao. Lunch na kasi kaya madami na.
"Oh wait kristal!Ako na lang oorder para sa'yo. " sabi niya kaya pumayag na ako. naupo nalang ako at hinintay siyang bumalik sa table namin.
--------
Someone's POV
Nandito ako ngayon sa cafeteria. Anong ginagawa? Malamang kumakain. Pero aside from that, may tinitingnan Ako. Oh wait let me
rephrase that, may pinapagmasdan akong isang babae. Isang babaeng mahalaga sa buhay ko.Isang babae matapang at matatag..
"Tol,Sino ba tinitingnan mo?" ani ng isang trupa ko
"nah,tara kain nalang tayo.."
-----------------
Kristal's POV
Papunta na ako ngayon sa parking lot. Haaayst!Tumatakbo na nga ako para makarating na agad dun. Pa'no ba naman? Si Ruzzel kanina pa text ng text. Tss! Palibhasa siya may-ari ng school na'to kaya may kontrol siya sa schedule niya.
Pagdating ko dun ay agad kong hinanap 'yong kotse niya. Nung nakita ko 'yong kotse niya ay agad akong tumakbo sa direksyon niya.
"You're late again." Cold na sabi niya. *pout* Inirapan ko lang siya at pumasok na sa kotse. Sumunod na rin siya at pinaandar na ang sasakyan.
Tahimik lang kami buong biyahe.ni wala sa'ming dalawa ang nagtatangkang magsalita.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa isang lugar na unfamiliar. Nagulat ako nang may kinuha siya galing sa likod....
One bouquet of flowers?!
Bumaba na ako ng sasakyan at sinundan ko na siya. Bigla akong natigilan nang mapagtanto kong nasa cementery pala kami.Naglakad lang kami hanggang makarating kami
sa isang malawak na damuhan at sa gitna ay may dalawang lapidang magKatabi.
Mr. And Mrs. Schneider?I see. Mga magulang niya 'to eh. Nilagay ni
Ruzzel 'yong bulaklak na dala niya.
May nilabas siya mula sa bulsa niya. Posporo, tapos kinuha niya 'yong paper bag at may inilabas na mga
kandila.
Sinindihan niya 'yon at saka umupo sa damuhan.Umupo na rin ako sa tabi niya. Nakatingin lang siya sa puntod ng mga magulang niya..
"Miss mo na sila 'noh?" Hindi ko alam pero bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon.
Napatingin Si Ruzzel sa direksyon ko at saka Tumango.Hindi mo naman nakikitang galit sya dahil sa tanong ko he's now cool ibang iba sya ngayon kumpara sa ruzzel na nakilala ko.
Kahit ga'no kasungit 'tong si Ruzzel, alam kong may kabaitan 'tong taglay. At isa pa, sa mga oras na ito ay malungkot siya. Hindi man niya sabihin pero halata sa mata niya ang lungkot na kanyang nararamdaman.
Naalala ko tuloy yung sinabi ni manang na magtiwala lang ako sa lalaking to..Paano? Di ko alam kung magtitiwala ba ako pero susubukan ko,susubukan kong gawin ang bagay na yun..
"Hmm-ano bang merun ngayon maw?" tanong ko ulit sa kanya pero tahimik pa rin sya habang nakatingin ito sa puntod ng mga magulang nya.
"Sabi ko nga tatahimik nalang ako---"
"Death anniversary nila..."putol nya sa sinabi ko.
Kaya pala nandito sya ay death anniversary pala ng magulang nya at ayon sa nakaukit puntod ng mga ito at sabay itong namatay.
"Paano sila namatay?" woaa! bakit ba Panay ang tanong ko? tsk tong bibig ko naman eh.
"Why are you asking?" woaaa! why nga ba?
"eh?hihihi nakita ko kasi Same date ang pagkamatay nila yan oh!" turo ko sa puntod.
"tsk..Car accident." nang sabihin nya yun ay mananahimik na sana ako pero---
"Bata pa ako noon. Nagpaalam sila na pupunta sa isang party at naiwan lang ako noon Kay manang nung mga oras na yun..." di ko inaakalang nagkukwento ngayon ang isang ruzzel Schneider pero no joke Alam Kong nararamdaman nya.
"but when the morning came nabalitaan ko nalang na patay na sila.."
"dahil sa car accident?" tumango sya,ramdam na ramdam ko ang lungkot nya. Ngayon naiintindihan ko na si manang Lourdes.
Kung bakit sinabi nya ang mga bagay na yun noon dhil gusto nyang paniwalaan ko si ruzzel,dahil sa sitwasyon ni ruzzel ngayon kilangan nya ng karamay..
"Kristal.." Nagulat ako ng tawagin ako nya,tiningnan ko siya na ngayon at nakasandal sa isang puno at nakapikit.
"b-bakit?" Ewan ko ba pero nauutal ako ngayon
"wala.." tingnan mo ang isang to wala naman palang sasabihin -_-
"don't leave me..."
A/N:
Short story lang po ito. sinadya ko talaga dahil gusto ko tapusin sa scene na malungkot si boss .HAHA pieceyow ^_^V. Baliw lang kasi si author ngayon xDHello nga pala sa co-author Kong si che. greeting was done :) #WAMBMHPS
BINABASA MO ANG
When A Monster Boss Meet His Personal Slave
RomanceMahirap Mag-isa.. Mahirap kung ikaw lang nagmamahal sa sarili mo. Mahirap gawin Ang Lahat ng bagay Kung Ikaw Lang At Walang Iba. Pero Mas Mahirap Pala Kapag Panlabas Na Kalooban Lang Ang Hinahanap Sayo. Kung Saan Mismong Itsura At Katayuan Lamang An...