Chapter 8: Fool slave

2K 69 3
                                    

Kristal's POV

Kinabukasan ay maaga akong gumising,as usual naman eh. Naupo muna ako saglit dahil naantok pa ako at saka wala nman makakakita diba tulog pa yung mukong.Siguradong nanaginip pa yun he he!

"Hoy! Ano pang tinu-tunganga mo dyan?!" Bigla akong natigil sa kakangisi ko at napaayos ng upo nang marinig kong sumigaw si Ruzzel mula sa kusina. Ahhh! Kala ko tulog pa sya tyaka teka, sinigawan niya ba ako?Haaayst!

"Isa!" oh no! Galit nanaman siya.Ganito ugali nyan eh.

"Oo na. Ito na nga po, kakain na." No choice.Tumungo ako ng kusina at nakita kong nakalapag ang madaming pagkain sa lamesa.

"Ikaw nagluto nito?"

"Tsk,Who else?Ikaw natulog mantika?"sinamaan ko lang sya at naupo kami pareho,sumubo na ako ng pagkain kahit na napipilitan.

Kayo kaya gumising ng alas singko ng umaga?Inaantok pa ako eh. Ewan ko ba, weekend naman ngayon pero bakit ang aga aga niya.

"Bakit ang aga mo naman gumising?weekend naman ngayon ah."tanong ko sakanya.

"May batas ba na nagsasabing bawal gumising tuwing weekend? Psh,freak."Aba!pilosopo pa ,tapon ko tong Plato sa mukha nya eh. -_____-

"Alam mo ikaw di ko alam kung kanino ka nagmana.Mabait naman siguro parents mo!Siguro pinaglihi ka sa unggoy,kapre,asong may almuranas tyaka pugita kaya ka ganyan!"

Nakita ko sya kumunot ng noo at tumingin sakin ng deretsyo..Woa! totoo naman eh.Hindi naman ako magsasabi ng kasinungalingan kasi ang sama ng ugali nya.

"Bilisan mo nga kumain may pupuntahan pa tayo!dami mong Alam!tsk."

Masama bang magkaroong ng madaming kaalaman?Tyaka kita mo tong lalaking to may pupuntahan daw kami pero di ko man lang alam.Urgh!

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko. Jusme! 5:30 pa lang oh!Anong balak nya magmukhang aswang sa gantong oras?

"Tsk!"

Ayy wow talaga! Hindi sinagot 'yong tanong ko.Kaasar na kausap! kahit naiinis ay pinilit kong umakto ng maayos.Nasa harapan ako ng pagkain, kailangan irespeto.Habang ako inis na inis, yung halimaw kain lang ng kain. Tss! Ni hindi man lang sinagot 'yong tanong ko kanina.

Well, ano ba dapat kong asahan sa halimaw na yan?At isa pa hindi naman kami close eh.tsk!

Matapos kong kumain ay dali-dali akong pumunta sa kwarto ko para maligo at mag-ayos. As usual,utos ng halimaw kong boss.

Nang matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako agad. Halos mag-iisang oras pala ako nag-ayos.

Pagbaba ko ay wala akong Ruzzel na nakita.Ahhh. Baka naman nasa garahe na,pumunta na ako ng garahe at tama nga ako nandun na siya at nakasandal sa may pintuan.

Take note, ang sama ng tingin sa akin.

"What took you so long?" halata sa boses niya ang pagkairita. tsk! Kailan ba yan hindi nainis o nagalit?

Hindi na lang ako nagsalita naisip ko na dun na lang sa may back seat umupo. Akmang papasok na ako sa loob ng biglang hinawakan ni Ruzzel

ang kamay ko.

Oh wait.. what??! Hinawakan niya ang kamay ko? Anong gagawin ko? Kristal ano ba? Mag-isip ka.......

"Balak mo ba akong gawing driver?"

Saka lang ako nabalik sa reyalidad nang marinig kong nagsalita siya.Dali-dali kong inalis ang kamay ko at pumunta na sa unahan.

Teka, bakit ba bigla nalang ako nanahimik? Ewan!Maya-maya'y biglang tumigil ang sasakyan.Pagtingin ko sa labas ay nakita ko agad 'yong kompanya niya.Now I know.Dito lang pala kami pupunta.

"Psh!Wala ka bang planong bumaba ha?"Napalingon ako bigla sa kanya.

Na nakataas kilay pa sya.

"Anong gagawin natin dito?Weekend naman ah.May trabaho ka pa rin?" Tanong ko.Imbes na sagutin ako, bigla na lang siyang lumabas at iniwan ako sa loob. Tss! Tingnan mo

'yon, iwan daw ba ako?Napakabipolar nya kaasar talaga!kilan kaya sya magbabago?

Dali-dali akong bumaba at sinundan siya.Habang nasa hallway kami ay may mga empliyado kaming nadadaanan. syempre, binabati

nila kami. Pero 'tong kasama ko,snob lang talaga.


Ruzzel's POV

Nasa kompanya na ako at itong kasama ko daldal ng daldal tsk!She's weird!Bakit ko iintindihin? Why all of the sudden?Pinagtyatyagaan ko pa pala ang isang tulad nya.Why should I?tsk.

"Good morning sir."

"Good morning ma'am and sir."

"Good morning po."Bati dun, bati dito. Sabay sabay silang tumitigil

sa mga ginagawa nila kapag dumadaan ako. Tsk!

Mga sumusipsip lang ang mga yan.

Sumakay na kami ng elevator papunta sa office ko.

"Huy Ruzzel ano bang gagawin ko dito?" Tsk! So noisy. Pambihirang babae 'to!She didn't know how to say'sir' ahh..Hindi ko na lang siya pinansin umupo na lamang ako.Nakita ko napanguso pa sya ang pangit talaga!

Few seconds past, I saw Kristal standing near the center table. Tsk! Is she really didn't aware of her obligations?

"Ano tutunganga ka na lang ba dyan? Ha?" Sigaw ko sa kanya. Halos mapatalon. Naman siya sa gulat.... Hahaha her face was a epic....

"A-ano bang gagawin ko?"Tanong niya. What the--? Napataas. Naman yong kilay ko sa tanong niya.

"Tsk!" Sabi ko at saka inabot sa kanya 'yong mga papers na dapat niyang gawin.Siguro naman alam na nya gagawin nya sa mga papel na binigay ko sa kanya diba?

"Anong gagawin ko dyan?"Shit! Napahilamos ako ng mukha.

"Tanga ka ba o sadyang slow lang yang utak mo?! Can't you remember last time when I told you that you're going to be my secretary too!"

I can't help it!Siguro ay nabigla siya sa mga sinabi ko. But I'm just being honest with her. It's true.Kinuha niya na 'yong mga papeles at pumunta na sa table niya na blangko ang mukha.

*******************

Kristal's POV

"Tanga ka ba o sadyang slow lang yang utak mo?! Can't you remember last time when I told you that you're going to be my secretary too!"

Nagulat ako sa sinabi nya at halos di ako makapagsalita.Pero binawi ko naman agad iyon,ayuko makita nya ang expression ko kahit alam kong masakit sa feelings na pagsalitaan na tanga ako.

Bakit ba ako nasasaktan eh,ganun naman talaga tingin nya sakin in the first place.

Naalala ko, secretary nga niya pala ako na totally hindi naman talaga kasi tagabasa lang ako ng mga proposal at papeles nya.

How pool I am?Tss!

Pumunta na ako sa table ko dala-dala 'yong mga papel na binigay ni Ruzzel kanina.Ang dami naman pala into.Tiningnan ko na isa isa 'yong mga papel.Karamihan ay mga report about sa income ng company at 'yong iba naman ay mga documents na dapat niyang pirmahan.

Patayo na sana ako para dalhin kay Ruzzel 'yong mga dapat niyang pirmahan ng may nakita akong white envelope na nasa sahig.Inilapag ko muna 'yong mga folders at pinulot ko 'yong envelope.

Naku-curious ako kung anong laman nun pero mas minabuti ko na lamang na 'wag ng buksan 'yon. Ibibigay ko na lang din kay Ruzzel 'yon.Kinuha ko na 'yong mga folders kasama 'yong white envelope at pumunta na kay Ruzzel.

"Ahm Ruzzel, may mga dapat ka palang pirma----."Hindi kona ituloy ang sasabihin ko nang bigla siyang nagsalita.

"Pakilagay nalang dyan sa table." Tumango nalang ako at Inilapag ko na'yong mga folders doon at bumalik na sa pwesto ko.

Nang may biglang kumatok sa pintuan ng office nya.Binuksan ko naman iyon dahil tanging ako lang naman ang pwedeng bumukas nun.

When A Monster Boss Meet His Personal SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon