Chapter 6 Selos nga ba?

117 6 0
                                    

Alec's POV

Isang bagong araw nanaman ang dumating. Siguro maganda ang araw na ito dahil tournament na namin sa badminton. Kasama ko si Eleanor dahil isa siya sa mga magkikipagsabak sa labanan ng laro ng mga rackets.

"Alec! Tumayo ka na dyan! Baka malate ka pa!" Sigaw ng aking panganay na kapatid na babae.

Agad naman akong bumaba at baka pumasok pa sa loob ng kwarto ko si Ate.

Pag baba ko nakita ko na yung mga dadalhin ko at mga damit na susuotin ko pati ipangpapalit ko pag pawisan na ako.

Kumain na agad ako at pagkatapos ay naligo. Pinahanda ko na yung sasakyan sa driver namin pero nang papalabas na ako ng bahay ay pinigilan ako ni kuya.

"Si Frayle na lang ang magdadrive para sayo, yung personal assistant ko  kasi may pinabibili ako sakanya na mga gamit na kailangan ko." Pag katapos niya iyon sabihin sumakay na ako sa sasakyan ko pati na rin yung PA ni kuya.

After 15 minutes nakarating na din ako sa wakas sa school namin. Una kong nakita si Eleanor na papunta dito sa parking lot ng school.

"Tulungan na kita Alec." Kinuha niya yung isa kong backpack.

Ang bait niya talaga kahit kailan.

"Thanks El." Tinapik ko yung balikat niya.

Nag paalam na ako dun sa PA ni kuya at sinabayan na si Eleanor sa paglalakad.

"Akala ko hindi ka sasabay sa amin at mauuna ka na sa Badminton Tournament Court kung saan tayo maglalabanan." Sabi ni Eleanor habang tinitignan yung cellphone niya.

"Si Kuya kasi may pinabibili kay Frayle kaya ayan hindi ako na una sa BTC pero ayos na iyon para mabantayan kita habang nag babyahe tayo baka mamaya makatulog ka at pagtripan ka pa ng mga coplayer natin." Inagaw ko yung cellphone niya pero hindi siya umangal.

"Sino naman ang katext mo? Baka may boyfreind ka na ha?" Bigla niya akong tinulak.

"Tss. Ewan ko sayo. Lakas ng topak mo!" Pagkatapos niya iyon sabihin ay tumakbo na siya papunta sa bus.

Haha. Ang cute nagtampo siya, haha! Lagi iyan ganyan pag sinabi ko kung may boyfriend na siya, ang lagi niyang reaction ay sasabihaniya ako ng may topak tapos magtatampo.

Tumakbo ako sa may bus at pumasok doon. Tapos inayos ko yung mga gamit ko at umupo na sa tabi ni Eleanor. Inayakap ko siya mula sa likod.

"Sorry na El. Bati na tayo, please?" Tumingin siya sa akin tapos ginulo niya yung buhok ko.

"Ok. Tulog muna ako ha? 3 hours naman ang biyahe." Bumitaw ako sa pagkayakap ko sa kanya tapos sumandal siya sa balikat ko at nilagay yung headset niya sa tenga niya, pumikit na siya at hindi na nag salita pa.

Tumingin ako sa side ni Eleanor sa may bintana. Nakita ko si Mikayla at Sharlene na nakasakay sa kotse. Nakitingin sila sa amin. Tapos muntikan pa sila mabunggo kasi hindi nakatingin yung driver nila si dinadaan at mukhang may hinahanap.

Umandar na yung sasakyan namin pero nandoon pa rin sila Mikayla at Sharlene at parang na shock sila at naging bato dahil hindi sila nagalaw.

After ng biyahe, binuhat na namin yung mga gamit tapos itong si Eleanor tumakbo sa labas. Hindi ko alam kung bakit pero ung nakababa na kami na kita ko si Eleanor tumatakbo, ilang segundo pa lang ang nakararaan natapilok si El.

"Hahahaha! Ano Eleanor tatakbo pa? Hahahahaha!" Lahat sila tumatawa habang ako naman ay nakapoker face.

Ang pagkakadapa niya ay pahiga pero hindi lumapat yung mukha niya. Muka tuloy siyang nagswimming sa sahig.

Dare Changed Our Lives (DISCONTINUED FOR THE MEAN TIME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon