Chapter 11 Anger

117 5 0
                                    

Sharlene's POV

"Lintek! Bakit kasi tayo pa ang naasign sa pagiging MC?!" sabi ni Licia.

Nandito kami sa rooftop dahil pag uusapan namin yung sa event.

"Arte mo. Hindi lang ikaw ang may ayaw ako rin hindi ko iyon gusto!" sabat ni Shin.

Kanina pa silang nag aaway tungkol sa pagiging MC. Tsk. Tsk.

"Guys naman ang ingay niyo. Hindi ba pwedeng tanggapin niyo na lang na MC kayo? Nakakairita kaya ang pag aaway niyo." sabi ni Lyndon.

"Ang sabihin mo kasama mo lang kasi si Sharlene!! Pakipot!" sabi ni Licia.

Yung totoo kanina pa din sila nag aaway about sa pakipot pa daw si Lyndon na gusto daw ni Lyndon na kasama ako. Tss.

"Hoy hindi ako pakipot! Tanggap ko lang na tutulong kami sa mga contestants!" sabi ni Lyndon.

Sana tumigil na sila please. Nakakarindi na kasi ehh.

"Guys!!" sigaw ni Shin.

"Ano!!??!" nagulat si Shin dahil kay Licia at Lyndon pano kasi sumigaw.

"Tsk. Para kayong mga bingi! Akala niyo napakala layo ko at hindi niyo ako marinig ah!!" sabi ni Shin.

Ano 'to sigawan lang? Wala bang pipigil sa kanila? Nakakarindi na talaga.

"Ehh bakit ka kasi nasigaw?!!! Bobo mo rin ehh!!" sabi ni Licia and syempre nakasigaw pa rin.

"Ikaw rin kaya nakasigaw?!?!!!" sabi ni Shin na nakasigaw rin.

Biglang lumapit sa akin si Lyndon.

"Naririndi ka na ba?" teka ha parang hindi obyus kay Lyndon na nabibingi ako kaya siya nagtanong kahit nakatakip na yung kamay ko sa tenga ko hindi pa rin halata na nabibingi na ako. Bobo.

"Bobo mo. Natural na bibingi na ako. Tss." sabi ko kay Lyndon na may kasamang iwas ng tigin. Bobo kasi.

"Akin lang ang asawa ko!!!" sabi ni Emerson na kakadating pa lang.

Anong pinag sasabi niya?

"Anong sinasabi mo Emerson?" sabi ni Lyndon.

Napakamot ng ulo sa Eleanor. Dapat pupunta siya sa tabi ko kaso pinigilan siya ni Emerson.

"Ehh kasi nasigaw kayo akala ko may shooting." binatukan ni Eleanor si Emerson nung sinabi ni Em iyon.

Grabe naman shooting? Pero sabagay tama siya parang ang role kasi ni Licia yung legal wife tapos si Shin yung may gabet. Hahaha!! Legal wife ang peg!

"Tsk. Tanag mo bro. Nag aaway lang kami." sabi ni Shin.

Alam kong kanina pa akong parang pipe dahil hindi ako nagsasalita pero may dahilan ako. Iyon ay dahil sa nahihiya ako, hindi kay Licia at Shin. Kay Lyndon ako nahihiya dahil sa kiss scene na nangyari kanina.

Sana nga ehh hindi na lang iyon nangyari. Naging sweet kasi si Lyndon pero medyo may pag kacold pa rin ng konti. Hindi ko nga siya maintindihan ehh. Minsan cold o kaya sweet, simula kanina naging ganon na siya. Weird.

"Pwede bang mag umpisa na tayo kasi bukas busy na ang schedule ni Emerson ehh. Tsk." sabi ni Eleanor.

Wait sabi ba niya? Emerson?

"Anong sabi mo?" sabi ni Licia.

Tignan niyo pati sila nagtaka.

"Sabi ko umpisahan na natin kasi busy na bukas si Emerson." sabi ni Eleanor.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo." sabi ni Shin.

Sa facial expression ni El naiirita na siya. Hahahaha.

Dare Changed Our Lives (DISCONTINUED FOR THE MEAN TIME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon