Chapter 1 Not So Fast!

171 7 4
                                    

Eleanor's POV

"Yes, we'll be there in an hour. Thank you." Binaba ko na yung tawag at lumabas na ng kwarto ko. Bumaba agad ako sa salas at nakita yung mga kaibigan ko na nagtatawanan.

Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Sharlene.

"Anong pinagtatawanan niyo?" Tanong ko sa kanila. Tumingin sila sa'kin na nakangiti.

"Nagpost kasi ng pincture si Emerson."Sabi ni Sharlene.

"Ng?"

Binigay nila sa'kin yung tablet na binili naming apat at bumungad sa'kin ang mukha ni Emerson na nakatopless na puro putik ang katawan.

Napatawa ako ng malakas na may kasamang hampas pa. "Ang panget! Hahahaha!!"

"Sabi sayo tatawa din iyang si Eleanor pagnakita niya si Em na punong puno ng putik sa katawan. Apir!" Sabi ni Mikayla at nagapir silang dalwa ni Sharlene.

"Sino ba naman ang hindi tatawa pagnakita iyang picture na yan? Hahaha!!"

Tumayo si Licia at kinuha yung tablet sa kamay ko. "Whatever. Tara na nga. Nagugutom na ako." Sabi ni Licia habang nakangiti ng nakakaloko at naglakad na papalabas.

"Anong problema niya? Bakit ganon siyang makangiti?"

Nagkibit balikat yung dalwa bago sundan si Licia.

Sumunod na din ako sa kanila sa labas. Nakapark yung mga personal na kotse naming apat at syempre may private driver din na kasama.

"The last one to get there will pay the bill. Bye!" Sabi ni Sharlene bago sumakay sa sasakyan niya at pinaandar na ito.

Grabe talaga itong si Sharlene mahilig sa libre. Sa tingin ko mauubos nanaman ang pera ko nito.

Nagkatinginan muna kaming tatlo bago sumakay sa mga sasakyan namin at inutos na patakbuhin na ito.

Habang nasa byahe kami ay katext ko yung tatlo at sinasabi nila na ako na lang daw ang manlibre tutal naman kasi may pinagkukuhanan ako ng sarili kong pera.

Iba talaga itong mga kaibigan ko ang kukuripot. Ang dapat nga si Licia ang manlibre kasi siya ang pinakamayaman sa'min.

Napabuntong hininga ako ng malakas bago sabihan yung driver ko na bagalan yung pagmamaneho.

"Ma'am, pag ginawa ko po ito baka maubos po ang pera niyo." Sabi ni kuya Driver.

Wag niyo akong husgahan sadyang ganon talaga ang pangalan niya, Driver.

Umiling iling ako bago sumagot. "Sanay nanaman ako kuya. Kaya bagalan niyo na lang po."

Tumingin si kuya Driver sa rear view mirror at ngumiti sa'kin. "Ang bait mo naman po ma'am."

Tumawa ako ng bahagya at ngumiti. "Salamat po manong."

Tumingin ako sa labas at may nakita akong puting kotse. Tumapat ito sa sasakyan ko at ibinaba yung bintana na katapat ko. Bumungad sa'kin ang mukha ni Emerson Suarez. Kinindatan niya ako pero inirapan ko lang siya.

Nagvibrate yung cellphone ko. Tinignan ko ito at lumabas yung pangalan ni Emerson. Pinindot ko ito at binasa ng malakas.

"See you in our restaurant Baby Girl." Napataas ako ng kilay at tumingin ulit sa labas pero wala na doon yung sasakyan.

"Ma'am sino po iyang nagtext sayo?" Tanong ni kuya Driver.

"Ah, wala kuya. Pakibilisan na lang po. Sigurado ako nandoon na sila." Pinaandar na ni kuya yung sasakyan ng mabilis.

Dare Changed Our Lives (DISCONTINUED FOR THE MEAN TIME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon