Chapter 8 Movie Marathon

132 5 0
                                    

Emerson's POV

Ininbitahan kami ng mga babae na mag movie marathon at magsleepover sa bahay nila. Kaya ngayon ay nandito kami sa supermarket ni Lyndon sa Tierra Blue at syempre kasama namin ang mga babae.

"Alec pwede bang lasagna na lang tayo? Ayoko kasi ng junk foods." tinuro ni Eleanor yung isang pack ng pasta na ginagamit sa paggawa ng lasgna.

"Hmm... Ikaw na lang ang ipagluluto ko kasi sigirado ako ayaw nila niyan." Pinisil niya ang pisngi ni Eleanor at mabilis naman niyan iyong inalis.

"Buti alam mo." Pabulong na sabi ni Lyndon.

Napangiti ako sa sinabi Lyndon at kumuha ng Vcut. Inilagay ko iyon sa cart na tulak tulak ni Shin.

Habang nag uusap kami kung ano pa ang pwedeng kainin mamaya at nahagip ng mata ko sila Eleanor at Alec na naglalandian.

Sa totoo lang nakakabwisit sila. Gusto silang ilayo sa isa't isa pero wala naman akong karapatan. Tsaka kaibigan ko yung lalake ni Eleanor pati masama ang loob niya sa akin sa hindi malaman na kadahilanan.

Nung nabayaran na namin ang mga pagkain na napali namin at pumunta agad kami sa isang resto para magtanghalian.

Nang matapos kami, dumaretso na kami sa parking lot at nilagay sa sasakyan nila Eleanor ang mga pinamili.

Napagpasyahan naming susunod na lang kami sa kanilang bahay dahil aayusin muna namin ang mga gamit namin para sa movie marathon at sleepover. Sumangayon naman sila at sinabing ihahanda na lang nila ang mga pagkain at yung mga papanoodin namin mamaya.

Habang nag aayos kami ng gamit ay biglang nagsalita si Shin.

"Alec kelan ang monthsary niyo?" Sabi ni Shin.

Natagalan siya bago makasagot sa kanya dahil tinitiklop pa niya yung damit na gagamitin niya mamaya.

"It's a secret."

Tinignan ko siya ng walang emosyon. Pakiramdam ko may tinatago itong lalaking ito. May pasecret secret pa siyang nalalaman.

"Sabihin mo na! Ito naman parang hindi kaibigan." Biglang sulpot ni Lyndon sa likod ko.

"Ayoko magagalit si Eleanor." Sabi ni Alec habang may tinitingnan sa cellphone niya.

"Tss." Napatingin sila sa akin at tinignan naman nila ako na nagtataka.

"Bakit?" Tinaasan ko sila ng kilay.

Akmang magsasalita na sana si Lyndon ng biglang magring ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nakita ko na tumatawag si Mikayla.

Campus Hearttrob calling...

"Hi Mikayla! Napatawag ka ata, may kailangan ka ba?" Narinig kong nagtatawanan yung mga babae.

"Sabi kasi ni Licia pumunta na kayo dito." Sabi ni Mikayla sa kabilang linya.

"Ok. Bye." Sabi ko at binaba na yung tawag.

Tumingin ako sa kanila at nakita na handa na lahat ng gamit namin.

"Sabi ni Mikayla pumunta na daw tayo sa kanila." Tumango naman sila bilang sagot.

Dinala na namin lahat ng gamit tapos pumunta na sa may garage namin. Bumungad agad sa amin yung mga driver nang nakita kami ay agad nilang hinandar ang dalwang sasakyan.

Kasama ko si Lyndon sa sasakyan habang sila Alec at Shin naman ang magkasama.

Nung medyo malapit na kami sa bahay nung mga babae ay may tumawag kay Lyndon.

Dare Changed Our Lives (DISCONTINUED FOR THE MEAN TIME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon