Before the big change...
Sharlene's POV
Malamig ang simoy ng hangin. Nakakagaan iyon ng loob pero hindi ito sapat para mawala yung galit at lungkot na nararamdaman ko ngayon.
"Sharlene..." tinawag ako Lyndon pero hindi ko siya pinansin.
"Sharlene please stop crying..." lumapit siya sa akin pero tuloy pa rin ang pag agos ng luha ko.
"I know it hurts but I know Alec has a reason why he left us." humarap ako sa kanya at tinignan siya sa mata.
Nakikita kong nalulungkot katulad namin. Hindi naman iyon maiiwasan di ba? Kasi magkakaibigan silang apat pero anong nangyari? Magkakahiwalay na sila.
"Lyndon...Why? My question is why. Why would he leave us now? Why would he leave Eleanor without even talking to her personally!?" ito nanaman yung mga luha ko,umaagos nanaman.
"I don't know Sharlene! Hindi ko alam!! Si Alec lang ang pwedeng sumagot diyan! Si Alec lang!!" sinuntok ni Lyndon yung pader sa sobrang galit.
Umiling lang ako sa kanya. Hindi ako maniniwala na si Alec ang makakasagot nito. Alam kong may ibang makakasagot nito.
Lumapit sa akin si Lyndon at niyakap ako.
"Shh... I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka..." I hugged him back.
Kailangan may gawin kami. Ayokong makitang umiiyak si Eleanor dahil sa pagkawala ni Alec.
"Lyndon... Do me a favor..." kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin. Tinignan niya ako sa mga mata.
"What is it Shar?"
"Leave Philippines and follow Alec." I said coldly.
Meanwhile...
Licia's POV
"Saan mo gustong pumunta?" wala akong sa mood kaya nagpanggap akong tulog kahit sa totoo lang hindi pa ako inaantok.
"Licia,alam kong gising ka. Saan mo ba gustong pumalagi muna?" tumingin ako sa kanya ng masama kaya tumawa siya.
"Sa lugar na tahimik. Malayong malayo dito."
"As you wish." sabi ni Shin habang nakangiti.
Biglang nagring yung cellphone ni Shin at mabilis na sinagot iyon.
"Yow!...She's with me...Where?...Ok but why?...Fine!!Bye." he faced me after the call.
"Sino yun?" sabi ko kay Shin.
"Si Lyndon."
"Bakit daw?" tanong ko ulit sa kanya.
"Gusto daw niyang magusap usap tayo." tinaasan ko siya ng jilay kahit hindi namanniya nakikita.
"Alam kong nagtataka ka kaya intayinmo na lang na magkita kita tayo dahil hindi naman niya sinabi sa akin kung ano ang dahilan niya. Mas maganda kung magpahinga ka muna,medyo malayo pa ang lugar kung saan tayo pupunta." sabi niya sa akin.
Wala din naman akong choice kaya natulog na lang ako.
Shin's POV
Nandito na kami sa Garden Of Life nila Lyndon. Resort ito hindi lugar ng mga patay baka kasi mamaya sabihin niya para sa mga patay ito. Hehe.
"Licia..." ginising ko na si Licia.
"Nandito na ba tayo?" kinusot kusot pa niya yung mata niya. Hehe. Cute.
Tumango naman ako bilang sagot.
Bumaba na kami at pumunta sa isang cottage kung nasaan sila Lyndon at Sharlene.
BINABASA MO ANG
Dare Changed Our Lives (DISCONTINUED FOR THE MEAN TIME)
FanfictionIt's all about their dares that changed their lives forever.