Chapter 3 Someday

138 4 2
                                    

Sharlene's POV

(Before the arrival of her friends and Emerson's group)

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa school ay bumungad agad sa akin ang girlfriend ni Lyndon may kasamang ibang lalaki.

Biglang uminit ang ulo ko sa galit. Sa lahat ng mga babae na naging girlfriend ni Lyndon lagi na lang ang ginagawa pagwala siya.

Nakikipaglandian sa iba sa kabila ng lahat ng pagmamahal niya sa kanila.

Nilapitan ko siya at pinagsabihan.

"Akala ko ba girlfriend ka ni Lyndon?" Tumingin siya sa akin ng masama.

"And so? Anong problema mo kung girlfriend nga niya ako?" Sabi niya at nirapan niya ako.

Kung hindi lang ako mabait baka nadukot ko na ang mga mata nitong babaeng ito.

"Kasi nakikipaglandian ka sa ibang lalake pag wala si Lyndon. Dapat hindi mo iyan ginagawa. Mabait siya pero wag mong abusuhin." Tinitigan ako ng lalakeng kasama niya.

"Ang kapal din ng loob mo na sabihin mong nakikipagladian ako! Sino ka ba at ang lakas ng loob mong kausapin ako?" Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit pero hindi ako nasasaktan.

Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako.

"Siya lang naman ang best friend ko! Bitawan mo nga siya!" Sabi ni Licia at hinawi yung kamay nung babae.

"Hi Licia. Kung best friend mo siya pwede bang kausapin mo siya na wag akong kausapin pati kaano ano niya ba si Lyndon?" Inirapan niya si Licia at tumingin sa akin ng masama.

"Siya lang naman ang best friend ni Lyndon! Tsaka yang mata mo ayusin mo baka mamaya sa kakairap mo madukot yan ng mga hardinero sa kakaikot! Atsaka wag na wag mong sasaktan ni Sharlene kung hindi lagot ka kay Eleanor!" Hinawakan ako ni Licia sa braso at hinatak pa alis.

"Tss. Akala mo ang gaganda! Mas maganda naman ako sa kanila! Hahaha." Narinig ko na sabi ng girlfriend ni Lyndon.

Bakit kasi puro mga hipon ang ginagawang gf ni Lyndon, pwede naman yung mga mahihinhin at yung mababait. Hindi ko na siya masyadong nakakausap dahil lagi niyang kasama yung mga babae niya na hanggang 1 day lang or less.

Mahirap man sabihin pero hindi na kami mag bestfriend ni Lyndon dahil sa ugali na ipinakita niya sa akin, na mas pinili pa niya ang girlfriend niya na pera lang ang habol kesa sa akin. Sobrang naapektuhan ang pag kakaibigan namin simula noon. Hindi ko na nga siya makilala. Tuwing sasabihin ko na may ginagawang masama yung mga girlfriend niya hindi siya naniniwala pero pag girlfriend niya ang nagsumbong todo comfort siya. Naiinis man ako sa kanya pero kahit kailan hindi ko siya kayang balewalain. May pinagsamahan din naman kami kahit ngayong wasak na ang lahat sa amin.

"Sharlene umiiyak ka nanaman." Pinunasan ni Licia yung luha ko na tumulo gamit ang panyo niya.

"Tahan na Shar. Wag mo ng intindihin yung nangyari kanina. Halika punta tayong cafeteria ililibre kita ng lahat ng gusto mo." Tumango lang ako bilang sagot.

Nang makarating na kami sa cafeteria itinuro ko lang yung gusto ko tapos binili ni Licia pero nagpaalam agad siya sa akin na may kailangan pa siyang tapusin sa library.

Habang nag hahanap ako ng mauupuan may nakadanggi sa akin kaya lahat ng pagkain ko natapon sa damit ko.

"Sorry ha? Hindi kasi kita nakita ang liit mo kasi. Paslit!" Sabi ng girlfriend ni Lyndon.

Hindi ako nag salita dumaresto agad ako sa locker ko para kumuha ng damit pero wala akong nakita. Pupunta sana ako kay Mikayla para humingi ng damit pero habang nag lalakad ako nakasalubong ko si Lyndon.

Dare Changed Our Lives (DISCONTINUED FOR THE MEAN TIME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon