3rd Person's POV
Nagkatinginan yung apat na lalaki nagtataka. Kahit ang mga babae ay nagulat pero hindi rin nagtagal nagsalita si Licia.
"No." simpleng sagot ni Licia.
"Wala ka talagang awa sa'min Licia. Kelan ka ba magbabago?"
"Never! Tsaka isa pa sinong taong matino ang mamimiss ang isang katulad mong panget!!" sagot ulit ni Licia at inirapan ito.
"Wala ka pala Shin! Talo ka ng babae!!"
"Tumahimik ka nga Lyndon hindi ka nakakatuwa." sabi ni Shin.
"Talo ka lang e." sabi naman ni Lyndon.
"Kaya ganyan si Licia kasi may love life na yan!! May kissing scene na nga e!! Yieee!!!" sabi ni Mikayla na kinagalit ni Licia.
"MIKAYLA!!!!!" sabi ni Licia at hinabol si Mikayla.
"Waaahhh!!! El!!! Tulong!!" sigaw ni Mikayla na walang pumansin.
"Si Licia naagawan na ng first kiss?" sabi ni Shin. Tumingin siya sa kay Xiumin na nakangiti sa kanya pero uniwas agad siya tingin.
"Ewan." sabi ni Eleanor.
"Aray!!! Tama na Licia!!!! HUHUHU!!" pagmamakawa ni Mikayla dahil sinasabunutan siya ni Licia.
"Licia! Tama na yan!" sigaw ni Eleanor at pumunta na sa kinaroroonan nila. Tinanggal na ni Licia yung pagkakahawak niya sa buhok ni Mikayla at tumayo naman agad ito sa pagkakaupo at niyakap si El at naglakad na sila pabalik kila Shin.
"Grabe ka naman Licia. Nawala lang kami nagpahalik ka na. Paano na si Shin?" tanong ni Lyndon.
"Wala akong pake dyan." sabi ni Licia at initirapan si Lyndon.
Umakbay si Emerson kay Eleanor.
"Buti pa baby girl ko hindi ako pinagpapalit sa iba." sabay ngiti.
"Kapal!!!" sabi ni Eleanor at tinulak ng malakas si Emerson.
"Baby girl pala ha?" sabi ni Lyndon.
"Sige nga kausapin mo si Sharlene!! Ang yabang mo!" sabi ni Emerson.
Humarap si Lyndon kay Sharlene at nginitian ito.
"Problema mo? Para kang tanga ngiti ka ng ngiti." sabi ni Sharlene.
"Hahaha!!! Tignan mo ngiti mo pa lang naiinis na siya sayo paano pa kaya pag nag usap na kayo? Baka mamaya sumusuka na siya sayo dahil sa panget mo!! Hahahaha!!!" sabi ni Emerson.
Susuntukin na sana ni Lyndon si Emerson ng batukan ito ni Mikayla.
"Wag mo ngang awayin si Lyndon!! Ang sama mo!!" sabi niya habang nakapamewang.
Tumakbo naman si Emerson kay Eleanor at tinuro si Mikayla.
"Eleanor inaaway ako ni Mikayla!!" pagmamaktol ni Emerson na kinainis ni Eleanor.
"Alec!! Si Emerson lapit ng lapit sa'kin!!! Nakakainis na!!!" pagmamaktol din ni Eleanor habang pilit na lumalayo kay Emerson pero nakahawak ito sa kanyang braso ng mahigpit.
"Wag kang mangengeelam Alec!!" sabi ni Emerson.
"Alec!!!" sigaw ni Eleanor.
"Malaki ka na Eleanor kaya mo na yan." sabi ni Alec.
Lahat sila nagulat kay Alec.
"NAGTAGALOG KA?!!" sabi nung apat na babae.
"Hindi ikaw si Alec!!" sabi El.
BINABASA MO ANG
Dare Changed Our Lives (DISCONTINUED FOR THE MEAN TIME)
FanfictionIt's all about their dares that changed their lives forever.