Ako nga pala si Anne Louis Sanchez. Isang anak ng pinakamayamang business man sa buong Pilipinas. Maganda, matalino, mabait at maalaga lalo na sa Best friend ko.
Ako si Troy Hance Montellano. Anak ng isang pinakamahusay na Chef sa Africa. Matalino, mabait, nerd, at maalaga sa bestfriend ko.
Pero hindi ko inaasahang maiinlove ako sa bestfriend ko. Si Troy. Hindi ko alam kung paano nangyari. Basta naramdaman ko na lang na pag nandiyan siya, naririnig ko ang pintig ng puso ko, natataranta ako, na gusto ko lagi siyang kasama, na gusto kong hawakan ang kamay niya.
Yung gusto mo siyang magalit sayo. Dahil nararamdaman kong nagkakagusto na si Anne sakin. Gusto kong mawala ang nararamdaman niya sakin dahil minsan ko na rin siyang minahal at nagawa kong pigilan ito. Alam kong masisira ang friendship namin eh. At dahil ayokong maging awkward at masaktan ang isat isa, pinili kong iisantabi ang feelings ko para sa kanya.
Sana mahalin niya rin ako...
-AnneSana maintindihan mo...
-Troy
BINABASA MO ANG
From Best Friends To Sweet Couple
RomanceMinsan, hindi mo maiiwasang mainlove sa bestfriend mo. Dahil sa closure, moments, at tiwala sa isat isa, may isang mafafall at isang lilisan. Dahil pag nangyari ito, masisira ang relasyon nila pati na ang friendship nila. Mababago ang lahat ng meron...